Chapter 6 (Accident)

6.7K 350 95
                                    

CHAPTER 6

"YUMI."

Tumabi siya rito at awtomatiko itong dinala sa mga bisig niya.

"May problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo," sabi niya dahil kanina pa niya itong napupuna na tila wala sa sarili.

"I'm okay," tugon nito at kaagad siyang nginitian.

Napatitig siya sa maganda nitong mukha. Hindi nakakasawang titigan ang magandang mukha ni Yumi. She's very simple and she always smiles. Napaka-simple nitong babae. She's not wearing any make-up and she's not even using a lipstick. Natural na mapupula ang mga labi nito.

"I'm just worried," sabi nito at mahinang napabuntong-hininga.

"What are you worried about, hmm? Tell me. Maybe I could help," sabi niya habang masuyong hinahaplos ang maikli nitong buhok.

Nakangiting umiling ito. Mataman naman niya itong tinitigan sa mga mata.

"Why you're not allowing me to help?" he asked.

Mahina naman itong natawa sabay haplos sa pisngi niya.

"Promise me one thing, Warren," mahinang sabi nito.

"What is it?" 

"I want you to take good care of the woman you're marrying soon. Try to know her even better. You're smart and observant. I know you'll see the good in her. And please, protect her with all you have, hmm?" Patuloy nitong hinaplos ang pisngi niya.

Tila bigla ay piniga ang puso niya dahil sa mga sinabi nito. She sound like she already accepted the fact that they can't be together. She's making him feel that she's all ready to let go of him anytime and that hurts him.

"Yumi, I don't think I can promise that and─"

"Promise me, Warren. Your soon to be wife might need you. Protect her." May diin sa malambing na boses nito.

Mahina siyang napabuntong-hininga. Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay dahan-dahan niyang hinubad ang saplot nito at mariin itong hinalikan sa labi.

"I love you, Yumi." Sinabi niya lamang iyon sa isip bago tuluyang inangkin ang babaeng nagpatibok ng puso niya.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Warren at bumangon mula sa papag na hinihigaan niya. It was a dream. Napatingala siya at mariing pumikit. Why did he dream about Yumi?

Muli ay napabuntong-hininga siya at nagmulat ng mga mata. Awtomatiko siyang tumingin sa nakasarang pinto kung saan natutulog si Erixelle. He think he knew now why he suddenly dreamt of Yumi. It's because of what he saw earlier.

Alam niyang segundo lamang niyang nakita ang mukha ni Erixelle kanina nang matanggal ang make-up nito. But that was enough for him to think that Erixelle really resembles of Yumi. Or it was just his imagination? Alam niyang hindi tama itong iniisip niya. He has a fucking wife but he's thinking of another woman. 

Bumaba siya mula sa papag at kumuha ng tubig. Inisang lagok niya ang laman ng baso. He checked the time. Alas dos ng madaling araw. Alam niyang hindi na siya makakatulog pa kaya lumabas na lamang siya.

He plans to go fishing today. Hinanda niya ang bangka at ang mga gamit na kailangan niya para sa pangingisda. He was about to leave when he saw Erixelle. Halos nagmamadali ito. Lakad-takbo ang ginawa nito para makalapit sa kaniya. And she's wearing a face mask. He could see her eyes only.

"I'll go with you," sabi nito at nauna na ito sa bangka na para bang natatakot ito na baka hindi niya ito payagan.

Namamanghang tiningnan niya na lamang ito. Sigurado ba ito? It's still early. Ang alam niya ay maarte ito. Baka mandiri lang ito mamaya. Pero sa naobserbahan niya mula pa kahapon ay natutuwa ito sa mga nakikita nito sa isla. Which is new to him. May mga nakikita siyang kakaiba kay Erixelle kaya naninibago siya. O baka dahil ngayon niya lang din ito napagtuunan ng pansin?

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now