Chapter 34 (Monster)

8.1K 469 116
                                    

WARNING: THE FOLLOWING SCENES MAY BE DISTURBING OR TRAUMATIZING TO SOME READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

CHAPTER 34

"CAN YOU STAY HERE FOR A WHILE?"

Napatingin ang kapatid niyang si Winter Chelsea sa kaniya nang marinig ang sinabi niya.

"Yeah, sure, Kuya. May pupuntahan ka ba?" tanong nito.

"Babalik rin kaagad ako," tugon niya at tumingin kay Erixelle na nakahiga sa hospital bed.

Kasalukuyan silang nasa loob ng VIP room ngayon. Erixelle is still unconscious. She was stressed and shocked. Nilalagnat din ito ngayon kaya naka-dextrose ang asawa.

Naikuyom niya ang sariling kamao habang nakatingin sa asawa. This is because of that man.

"Okay, Kuya. Ako na ang bahala sa wife mo. Balik ka kaagad. Kuya William is still in the ICU. I'm sorry you have to deal with this. You are surely blaming yourself because of what happened to Kuya William but it's not your fault, okay? Don't worry, I'll take good care of your wife while you're away. " Malungkot na tumingin ang bunso niyang kapatid sa kaniya.

Nginitian niya ito at kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Winter.

"Stay by her side. If she wakes up, give her some food, okay? Be good to her, sweetie," masuyong sabi niya.

"Kuya, hindi ko naman aawayin ang asawa mo." Napasimangot ito.

"I know," nakangiting sabi niya. "But she doesn't know you. Baka mabigla sa'yo kapag nagising na. Huwag kang gumawa ng kalokohan, hmm?" Muli niyang ginulo ang buhok ng bunsong kapatid.

"Opo, Kuya. Layas na. Love you!" Malutong siya nitong hinalikan sa pisngi.

Napangiti na lang siya.

"Be good to her," muling paalala niya.

"Ang kulit. Iingatan ko ang asawa mo, huwag kang mag-alala," natatawa at naiiling na sabi nito. "Mukhang patay na patay." Mahina lamang sinabi ng kapatid niya iyon pero narinig pa niya.

"Patay na patay talaga ako diyan, Winter Chelsea. Iniingatan ko 'yan kaya ingatan mo." Pinisil niya ang pisngi nito.

"Oo na po," natatawang tugon ng bunsong kapatid.

Nilapitan niya si Erixelle at masuyo itong hinalikan sa noo.

"I'll be back, love," masuyong sabi niya.

He couldn't contain himself to kiss her on the lips.

"Kuya, may kapatid ka rito nakatingin, oh." Narinig niyang reklamo ng bunso niyang kapatid.

Umayos siya ng tayo at mahina na lamang natawa. Nagpaalam na siya kay Chelsea at lumabas ng VIP room.

As soon as he got out from the VIP room, his smile fades. Naglakad siya patungo sa elevator at tinungo ang parking lot.

He checked the time on his wristwatch. It's already 9:00pm. Umuwi muna siya sa bahay at nagbihis. May kinuha rin siyang ilang gamit. Lumabas din siya kaagad ng bahay niya.

He drove his car for a few hours and then he stopped. Iniwan niya ang sasakyan sa madilim na lugar at naglakad siya ng halos kalahating oras.

Nakarating siya sa isang malaking bahay. Pumuwesto siya sa madilim na parte kung saan ay hindi siya mahahagilap ng CCTV camera. He checked the time again and it's already 11:00pm.

Namulsa siya at tumingala sa mataas na pader. Inayos niya ang suot na itim na sumbrero at maging ang suot niyang salamin sa mga mata.

Kumuha siya ng buwelo at walang kahirap-hirap na inakyat ang mataas na pader.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now