Chapter 15 (Ruin Me)

11.6K 471 95
                                    

WARNING: HOT AND STEAMY SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN "PUSON'S" RISK.⛔

CHAPTER 15

"WHAT DID YOU SAY?" tanong ni Erixelle sa kaniya na tila ba nagulat pa ito sa sinabi niya.

"We only have one week before we go back to Manila," ulit niya.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o makakaramdam ng lungkot para kay Erixelle nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito nang pinaalam niya na babalik na silang Maynila isang linggo mula ngayon. Kinausap niya ito pagkatapos nilang kumain ng dinner. Natutuwa siya dahil alam at ramdam niya na gusto nito sa isla. Nakakaramdam siya ng lungkot dahil kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

Sa hindi malamang kadahilanan ay parang piniga ang puso niya. He wants to stay here in Isla Fontana as well. But Erixelle still has classes. At siya ay kailangan niyang asikasuhin ang kompanya niya. Kung maaari lang sana na huwag na silang umalis sa islang ito.

"I want to stay here." Halos pabulong lamang iyon pero narinig niya ang sinabi ni Erixelle.

Hindi niya mapigilan ang sariling hawakan ang kamay nito.

"We will go back here, Erixelle. I promise," mahinang sabi niya.

Malungkot ang mga matang tumingin ito sa kaniya. Natigilan siya nang titigan niya ang mga mata nito. Her eyes were sad and...scared. Ito na naman ang tingin ni Erixelle na para bang nanghihingi ito ng tulong. It feels like she's scared of something.

Ikinulong niya ang mukha ni Erixelle sa mga palad niya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, Erixelle?" tanong niya sa mariing boses.

Tumingin lamang ito sa kaniya sa malungkot na mga mata. Hindi ito nagsalita. Walang tugon o sagot mula rito. Gusto niya itong pilitin. Gusto niya itong magsalita. Gusto niyang malaman kung ano ang rason ng lungkot at takot sa mga mata nito. Dahil ramdam niya na hindi iyon simple lamang. Hindi ganito kalungkot ang mga mata nito kung ang rason lamang ay ang pag-alis nila sa islang ito. There's something more. Pero kung hindi ito magsasalita, kailangan niya iyong respetuhin. He is dying to know. Kung pwede lamang niyang pasukin ang isip nito.

Muli niya itong hinawakan sa kamay. Napatingin siya sa kamay ni Erixelle nang maramdaman ang panlalamig niyon. Akmang magsasalita siya nang bigla itong tumayo at basta na lamang siyang hinila.

Nagpatianod siya. Pumasok ito sa kuwarto habang hawak pa rin siya sa kamay. Muli ay nabigla siya nang basta na lamang siya nitong itinulak. Napahiga siya sa papag habang ito ay pumaibabaw sa kaniya.

Hinawakan nito ang laylayan ng damit niya at basta na lamang siyang hinubaran. Awtomatiko niya itong hinawakan sa mga kamay para pigilan ito sa ginagawa. They looked at each other and he could see a desperation in her eyes.

"What's wrong, hmm?" Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng asawa. 

Umiling lamang ito at akmang hihilain pababa ang suot niyang boxer shorts nang muli niyang hawakan ang mga kamay nito.

"Hindi ako naniniwalang walang mali, Erixelle. Your hands are trembling." Mariin niyang hinawakan ang mga kamay nito.

She's trembling and she is pale as well. She's wearing make-up right now but he could clearly tell that she is pale. It's bothering him.

"Just..." Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. "Grant my request," she said in a low voice.

"What is it?" he asked.

Erixelle brushed her lips to his.

"Make me yours tonight, Warren," she murmured.

Natigilan siya sa sinabi nito.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now