Chapter 4 (Feels Safe)

7.4K 368 77
                                    

CHAPTER 4

"WEAR THIS WHEN WE GET THERE."

Napatingin siya sa inabot ni Warren sa kaniya. Kinuha niya iyon at kapagkuwan ay napakunot-noo.

"You expect me to wear this?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"We can't expose our identity there, Erixelle," tugon nito.

"Where mo ba ako dadalhin? Can you tell me muna first bago ako musama sa'yo?" Taas ang kilay na sabi niya.

Mahina itong napabuntong-hininga.

"I told you I'll bring you to Isla Fontana. And it's sumama, Erixelle, not musama," sabi nito, tinama na naman siya.

Palaging baluktot ang tagalog niya. Kapag nasa school siya, may mga hindi nakakaintindi sa kaniya. But this man understands her words easily.

Napasimangot siya.

"And why would you bring me to that island?" tanong niya.

Sa halip na sagutin siya ay tumingin lamang ito kay Gail na may bitbit na malaking bag.

"Katulad ng inutos mo, Señorito, pinili ko lamang ang mga simpleng damit ni Señorita," sabi ni Gail kay Warren.

"Wait. What?" Kaagad niyang kinuha ang bag at binuksan iyon.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga laman niyon.

"That's not even simple, Gail," komento ni Warren at napabuntong-hininga.

"What do you expect me to wear, then?" Tinaasan na niya kaagad ito ng kilay.

"Let's just go. The chopper is waiting on the rooftop," sabi nito at dinala na ang malaking bag.

Napabuntong-hininga na lamang siya at akmang susundan na ito nang hinawakan siya ni Gail. Awtomatiko niya itong nilingon.

"Medyo magtatagal daw kayo roon, Señorita," sabi nito habang pinipisil ang kamay niya.

Mataman naman niya itong tiningnan sa mga mata. Sanay siya na tila walang emosyon ang mukha ni Gail. Pero nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala sa kaniya.

"I'll be okay, Gail. Thank you." Nginitian niya ito.

"Are you sure? Gusto mo bang sumama ako? Para may mag-alaga sa'yo roon at-"

"Gail." Pinisil niya ang kamay nito. "You've been taking good care of me since I was young. You should pahinga muna while I'm not here, okay? Take a rest and treat yourself," sabi niya at kumuha ng card sa loob ng wallet niya. "Here, take this. Buy anything you want. Treat yourself. You can travel abroad as well if you want," sabi niya at mabilis na itong tinalikuran dahil alam niya na magrereklamo ito at hindi tatanggapin ang inalok niya.

Tinungo na niya ang rooftop. Nandoon na ang chopper at mukhang siya na lamang ang hinihintay.

Nakita niya si Warren sa gilid na seryoso ang guwapong mukha habang may kausap sa cellphone nito.

Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay diretso lamang itong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita.

Hindi niya mabasa kung ano ang sinasabi nito. Ilang sandali lamang ay ibinulsa na nito ang cellphone.

Lumapit ito sa kaniya.

"Let's go," sabi nito at akmang hahawakan siya sa kamay nang bigla itong natigilan.

Napatikhim ito.

"Can I hold you?" he asked.

Napatingin naman siya sa mukha nito, nagtataka. Awtomatiko itong napakamot sa gilid ng noo.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now