Chapter 40 (So Much Longing)

8.2K 517 129
                                    

CHAPTER 40

"THANK YOU for fulfilling our wishes."

Two people bowed in front of him right now. The woman held his hand as she cried.

"We are very sorry for stealing the most important person away from you. We can't thank you enough for protecting and loving her. Thank you for giving her to us. Pangako na ibabalik namin siya sa'yo sa tamang panahon. Please...please, wait for her. She'll be with you soon." Masuyo siyang tiningnan ng babaeng nasa harapan niya.

"Even if it will take a thousand years, I will always wait for her," magalang na sabi niya.

Warren woke up from that dream and looked straight at the ceiling. Ilang minuto siyang nakatulala lamang doon.

Dahan-dahang umangat ang isa niyang kamay. He covered his eyes with his arms and he smiled bitterly.

"Kuya Warren."

Narinig niya ang boses ng bunso niyang kapatid mula sa labas ng kaniyang kuwarto.

Biglang bumukas ang pinto niyon at naramdaman niya ang paglubog ng kama.

Tumingin siya kay Winter na ngayon ay nakaupo na malapit sa kaniya. Nakatitig ito sa kaniya.

"Hindi ka na naman nakatulog ng maayos?" Kunot ang noong tanong nito.

Sa halip na sagutin ito ay bumangon siya.

"May kailangan ka ba?" tanong niya sa bunsong kapatid.

Mahina naman itong napabuntong-hininga.

"Kuya, it's already been eight years," mahinang sabi nito.

"What?" Kinuotan niya ito ng noo.

"Anong what ka diyan? Walong taon na ang nakakalipas. Wala ka bang balak mag-asawa ulit at—"

"Winter Chelsea." Natigilan ito sa sobrang diin ng boses niya.

Muli ay napabuntong-hininga ito.

"Okay, I'm sorry. I am just worried about you, okay? I mean...hindi ka na bumabata. Eight years is already enough, don't you think so? Bakit naghihintay ka pa rin? I just feel bad for you."

Nakita niyang pinipigilan lamang ng kapatid na huwag mapaluha habang nagsasalita ito.

Napailing na lamang siya at ginulo niya ang buhok nito. Kaagad itong napasimangot.

"I'm okay. Don't worry about me, hmm?" masuyong sabi niya at bumaba na siya mula sa kama.

Natigil naman siya sa akmang paghakbang patungo sa bathroom nang maramdaman niya ang yakap ng bunsong kapatid mula sa kaniyang likuran.

"What is it again, Chelsea?" tanong niya.

"Wala. I...just want to let you know that...I love you. I love you so much, Kuya. Namimiss na kita," sabi nito sa mahinang boses.

"Nandito naman ako palagi sa bahay," tugon niya.

"Kahit na. Bumalik ka rito sa bahay ng mga magulang natin eight years ago dahil ayaw mong manatili sa bahay ninyo ng ex-wife mo. Ni kahit isang beses ay hindi ka na bumalik doon sa bahay ninyo. Nakikita nga kita palagi rito sa bahay pero hindi na ikaw ang dating Kuya Warren na nakilala ko. I haven't seen you smile again. Nakakatakot na minsan ang pananahimik mo. You've been cold as well for the past years." Mahina itong napabuntong-hininga.

"I love you too, Winter Chelsea. Mahal ko kayo ni William. This is still me, okay? So, please, stop worrying about me. Don't get too sad. You are pregnant," sabi niya at hinarap ito. "Alagaan mo 'yang pinagbubuntis mo. Just focus on yourself, hmm?" Muli niyang ginulo ang buhok nito.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now