Chapter 12 (Give Up)

7.9K 463 71
                                    

CHAPTER 12

"GUSTO MONG MATUTO?" Namamanghang tanong ni Nanay Helen sa kaniya pagkatapos marinig ang sinabi niya.

Kaagad naman siyang tumango at hinawakan ang malaking kutsilyo.

"Ready na po ako, Nanay," sabi niya habang mahigpit na hawak ang kutsilyo.

Nakita niyang may nililinis itong isda at aliw na aliw siya kaya hindi niya mapigilang lapitan na ito. Nanay Helen is preparing for their lunch. Si Warren naman ay lumabas ng bahay kanina.

"Sigurado ka, ha? Baka masugatan ka. Malalagot ako kay Warren," natatawang sabi ni Nanay Helen.

"I'll be...Ahm...mag-iingat po ako, Nanay," inosenteng sabi niya.

Muli ay natawa ito.

"Oh siya sige. Ganito ang gawin mo, ha?" Nanay Helen started to teach her.

Ang galing nitong humiwa ng isda. May nililinis din itong pusit at hipon kaya tinulungan niya ito. She did her best to do what she learned from Nanay Helen. She's enjoying it. First time niyang gawin ito at talagang nag eenjoy siya.

Madaldal si Nanay Helen kaya naaaliw din siya sa tuwing nagsasalita ito. Madalas nitong binibida ang mga apo.

"Kilala mo si William, hindi ba?" tanong ni Nanay Helen habang hinuhugasan na nila ang mga nilinis.

Tumango siya.

"Brother po ni Warren," tugon niya.

"Hindi sinasabi ng apo kong si Kathy pero alam kong nagkakamabutihan silang dalawa noong nandito pa lamang sila sa isla. Nakakaaliw ang dalawang iyon," nakangiting sabi ni Nanay Helen. "Ang guwapo nilang magkapatid, ano?" tanong nito.

Sa totoo niyan ay hindi pa talaga niya personal na nakita ang kapatid ni Warren. 

"Nasa dugo na rin po ng mga Ramirez," nakangiting tugon niya.

Kahit hindi pa niya nakikita ang kapatid ni Warren ay alam niyang guwapo rin ito. Walang duda kung si Warren ang pagbabasehan. Warren is really handsome. Una niya itong nakita sa litrato na binigay ng ama niya sa kaniya. Nang makita niya ito sa simbahan noong araw ng kasal nila, doon niya napagtanto na mas may igu-guwapo pa pala ito sa personal.

"Tapos na. Hugasan mo na ang kamay mo, hija. Ako na ang bahalang magluto ng tanghalian natin. Salamat sa tulong mo." Matamis siyang nginitian ni Nanay Helen.

"Salamat din po sa pagturo, Nanay," masayang sabi niya.

Napatitig naman ito sa mga mata niya kaya nagtaka siya.

"Bakit po?" Hindi niya mapigilang itanong.

Nakangiting umiling ito.

"Napansin ko lang na nag-iba na ang emosyon sa mga mata mo. Hindi na malungkot," mahinang sabi ni Nanay Helen.

Kumunot ang noo niya.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" nagtatakang tanong niya.

"Nang una kitang makita, napakalungkot ng mga mata mo, hija. Pero ngayon, nag-iba na. Kung ano man o kung sino man ang nakakapagpasaya sa'yo, huwag na huwag mong bibitawan. Kapitan mong mabuti, hija," makahulugang sabi nito at nakangiting umalis na.

Napatingin na lamang siya sa likod ni Nanay Helen habang hinuhugasan niya ang mga kamay. Ilang sandali lamang ay pumasok si Warren sa bahay. Diretso siyang napatingin dito.

Kung ano man o kung sino man ang nakakapagpasaya sa'yo, huwag na huwag mong bibitawan. Kapitan mong mabuti, hija.

Hindi niya mapigilang balikan sa isip ang mga katagang iyon ni Nanay Helen habang nakatingin siya kay Warren. Humakbang ito papalapit sa kaniya.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now