Chapter 32 (Couldn't Breathe)

8K 437 100
                                    

CHAPTER 32

"LOVE."

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Erixelle nang marinig ang boses ni Warren.

"Hmm?" Inaantok na tugon niya.

Nakangiting hinaplos nito ang buhok niya.

"You have class today, right? Time to wake up," masuyong sabi nito sabay halik sa labi niya.

"I'm still antok," mahinang sabi niya at pumikit.

She heard Warren chuckled. Muli siya nitong hinalikan sa labi. Nang hindi siya nagmulat ng mga mata ay ibinuka nito ang labi niya at awtomatikong ipinasok ang dila nito sa loob ng bibig niya.

"Mmm..." Mahina siyang napadaing nang sinipsip ng asawa ang dila niya.

Nagmulat siya ng mga mata at mahina itong hinampas sa dibdib. Natatawang binitawan ng asawa ang labi niya.

"It's your kasalanan why I'm so puyat right now," nakasimangot na sabi niya.

"Okay, I'm sorry. I just can't get enough of you last night," nakangiting sabi nito.

Halos umabot na sila ng madaling araw sa pagtatalik. It's been a few weeks already since they went back here from Tagaytay. Every night and even during the day, they are always making love to each other. Her husband was so insatiable.

"Don't tell me you still want more?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"No. You have class today. But I can have you tonight, yeah?" Ngumisi ito.

Nag-init naman ang buo niyang mukha.

"I am always yours," mahinang tugon niya.

"I know." Masuyong hinalikan ng asawa ang noo niya at kapagkuwan ay tinulungan siyang bumangon. "Take a shower now. I already prepared your breakfast. Ihahanda ko lang ang school uniform mo, hmm?" Pinatakan nito ng magaang halik ang labi niya.

"You have no pasok today?" she asked, frowning.

"I have something important to do today," he explained.

"I see." Tumango-tango siya. "I'll take a shower na," sabi niya at hinalikan sa labi ang asawa.

Napatitig ito sa mukha niya pagkatapos maghiwalay ang mga labi nila.

"Sunduin kita mamaya," sabi nito habang titig na titig sa kaniya.

"Sa school?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Mm-hmm," tugon nito.

"Really?" Masayang tanong niya.

"Yeah," nakangiting tugon nito.

"I mean...never mo pa akong na-fetch from school before," masayang sabi niya

"That's why I'll fetch you later, hmm?" Mahina nitong pinisil ang magkabila niyang pisngi na tila ba bigla itong nanggigil sa kaniya.

"You'll fetch me talaga?" pangungulit pa niya.

"Opo, misis ko," tugon nito at mahinang natawa.

"Okay! I love you!" Iyon lamang at excited na siyang tumakbo papuntang bathroom para maligo.

Narinig pa niya ang tila aliw na aliw na tawa ng asawa. Masaya naman siyang naligo at kumanta kanta pa habang nasa ilalim siya ng shower.

After taking a shower, she got out and saw her uniform on the bed. Nakahanda na ang lahat ng susuotin niya sa ibabaw ng kama.

Even her bag was there. She checked it. Sobrang ayos ng mga gamit niya sa loob. At alam niyang hindi si Gail ang may gawa nito. Iba ang pagkakaayos ni Gail sa mga gamit niya.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now