Chapter 21 (Unmasked)

8.8K 468 107
                                    

CHAPTER 21

NAPAKURAP siya at biglang kumunot ang noo. Did she just try to remove her facemask?

Dali-dali niyang inayos ang suot na facemask at kaagad na tumalikod. Muntik nang makita ni Warren ang mukha niya!

Mahina siyang napabuntong-hininga.

"Erixelle," tawag nito sa kaniya.

Hindi niya ito nilingon. Namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nabigla siya nang maramdaman ang pagyakap ni Warren mula sa likuran niya.

"Are you okay? You can go back to sleep. But you have to eat first, okay?" Masuyo siyang pinaharap ni Warren at nagsalubong ang mga mata nilang dalawa.

Titig na titig ito sa kaniya.

"Do you want to do something? Tell me. Gusto mo bang magbakasyon? We can go to Isla Fontana or let's have a vacation to the place you want to go," masuyong sabi nito.

Mataman siyang tumingin sa mga mata ni Warren. She wants to. She badly wants to. But...she can't be alone with him. She doesn't want him to know her secrets. She doesn't want him to think that she is crazy. Dahil iyon ang tingin ng mga magulang niya sa kaniya. At ayaw niya na pati si Warren ay ganoon ang maging tingin sa kaniya.

Alam niya sa sarili na hindi maganda ang kalagayan niya. She went missing for a few hours and she couldn't recall what she did for the time that she went missing. Ni hindi niya alam kung paano siyang napunta sa lugar kung saan siya sinundo ni Warren kanina.

She was so scared and she just wanted to see Warren right away. The moment she saw him get out of the chopper made her heart ache and feel at ease at the same time. Only Warren can make her feel that way.

She is very thankful to him. But...does she really deserve Warren? She doesn't want to ruin this man. He is so good on her that she wants to protect his good reputation.

Kapag nalaman ng lahat kung anong klaseng tao ang asawa nito ay masisira ang pangalan ni Warren.

"No, I'm good," malamig na tugon niya.

"Eri-"

"Don't mind me, Warren. I'm okay," she cut him off.

Mataman itong tumitig sa mga mata niya at kapagkuwan ay napabuntong-hininga ito.

"Just promise me one thing," seryosong sabi nito sabay hawak sa pisngi niya. "Don't disappear like that again, hmm?" Nakikiusap ang mga mata nito.

Of course, she can't promise that. But she just nodded.

"I won't," tipid na tugon niya.

Akmang hahawakan siya nito sa ulo nang umatras siya.

"I want to sleep in my room," mahinang sabi niya at hindi na itong hinintay na makapagsalita pa.

Kaagad na siyang lumabas mula sa kuwarto ni Warren. Nagkulong siya sa loob ng kuwarto niya.

Pabalik-balik siyang naglakad. What can she do to avoid Warren again? Is there any way for him to dislike her?

Mahina siyang napabuntong-hininga at pabagsak na umupo sa kama. Tiningnan niya ang mga paa. May band aid ang mga sugat niya roon.

Hinaplos niya ang band aid. She was sure that Warren was the one who put that band aid on her. Gustong-gusto niyang bumalik sa kuwarto ni Warren at pumaloob sa mga bisig nito. She wants to feel his warmth and feel the comfort he gives.

Bumaba siya mula sa kama at tinungo ang malaking salamin. She removed her facemask and looked at her own face in front of the mirror.

Hinaplos niya ang sariling mukha. She's actually tired of hiding her own face. Why is she even hiding this thru make-up?

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now