Chapter 37 (No Emotion)

7.9K 515 120
                                    

WARNING! ⚠️ SCENES IN THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE, SEXUAL, AND MAY DISTURBING TO SOME READERS. READ AT YOUR OWN RISK.

CHAPTER 37

"BOSS, anong gagawin natin sa babae?"

"Igapos mo lang. Kapag nagising, bantayan ninyong mabuti. Huwag ninyong hayaang makatakas dahil malalagot tayo kay Bossing."

"Hindi ba kami pwedeng maka-i-score, Boss? Tangina, napakaganda naman pala nitong babae. Sobrang puti at sobrang kinis pa. Nahawakan ko ang boobs kanina at ang laki. Kaya pala ulol na ulol si Bossing."

"Hayaan mo, Goryong. Titikman natin 'yan lahat pagkatapos ng instruction ng asawa ni Bossing."

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Erixelle nang marinig ang mga boses na iyon.

Mahina siyang napadaing at tinangkang kumilos pero hindi siya makagalaw dahil nakatali ang mga kamay at mga paa niya habang nakaupo siya sa bakal na upuan.

Nakatakip din ng duct tape ang bibig niya.

"Boss, gising na pala." Nakita niyang ngumisi ang lalaking nakatingin sa kaniya.

Lumapit ang lalaking tinawag na Boss. Napakalaki ng katawan nito at sobrang tangkad.

Napadaing siya nang marahas nitong hinila ang duct tape sa bibig niya.

"Miss Ganda, gising ka na pala," sabi nito at ngumisi.

"Who are you?" Matapang na tanong niya.

Tumawa lamang ito at pati ang lalaking narinig niyang Goryong ang pangalan.

"English pala, Boss. Napakasarap din ng boses. Hindi na ako makapaghintay na matikman ko ang babaeng 'to. Paniguradong masarap, Boss!" Ngising-ngisi ang lalaki.

Masama niya itong tiningnan ang mga ito. Humalakhak lamang ang dalawa.

Marami pang mga kalalakihan ang pumasok. Kung hindi siya nagkakamali ay sampu ang mga ito.

"Tumawag na ba si Bossing? Hindi ako makapaniwala na naging kritical ang buhay niya. Pero dahil isang demonyo ang bossing natin, kahit si Kamatayan ay takot sa kaniya." Humalakhak ang lalaking nagsalita.

Tiningnan naman siya ng pinaka-lider ng lahat.

"Naka-plano na itong pag-kidnap sa'yo dahil ramdam niyang may mangyayaring masama sa kaniya. Akala mo ba ay naisahan ng asawa mo si Bossing? Matalino iyon. Isang demonyo. Maraming alam na plano. Maraming koneksyon. Nagkataon na hawak niya sa leeg ang may-ari ng ospital kung saan ka naka-confine. Hindi na kami nahirapan na pasabugin sa loob para makuha ka. Ang nurse ang naging katulong namin para magawa ang plano namin." Ngumisi itong muli.

Natigilan siya. Tama. Sumabog ang VIP room na kinaroroonan niya kanina. Naalala niya ang nurse na pumasok kanina para i-check ang temperature niya. Kaya pala nagtataka siya na iba ang kinikilos nito.

How about Gail? Was she okay? She hopes and prays that Gail is okay. Dahil kung hindi ay siguradong hindi niya mapapatawad ang sarili.

Her father is indeed evil. Pero bumalik sa isip niya ang sinabi ng lalaking nasa harapan niya. Binanggit nito ang asawa niya.

Does it mean...Warren knew everything about her? May alam ang asawa niya, sigurado siya roon.

"Where's my father?" mahinang tanong niya.

She's actually scared right now. Alam niya sa sarili na wala siyang takas sa sitwasyon niya ngayon. These men in front of her will harm her anytime soon.

"You have no right to ask about my husband after Warren did to him."

Awtomatiko siyang tumingin sa babaeng naglalakad papasok.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now