Chapter 7 (Hurt and Abandon)

7.4K 366 57
                                    

CHAPTER 7

TUWANG-TUWA si Erixelle habang pababa sila ng bangka. Maraming nahuling isda si Warren. He's really expert. Manghang-mangha siya kanina habang pinapanood ito kung paano ito hinuhuli ang mga isda.

"Take a shower," sabi nito nang tingnan siya.

Tiningnan naman niya ang sarili. Kanina pa siya pinagpapawisan at medyo malansa na rin ang amoy niya dahil sa mga isda. Hindi niya mapigilan ang sarili kanina na hawakan ang mga isdang nahuhuli ni Warren. She was just thankful that Warren let her do what she wants earlier. Ni hindi siya nito sinasaway katulad ng nakasanayan niya na ginagawa nito.

"I smell malansa," sabi niya at mahinang natawa.

Natigilan naman siya nang humakbang ito patungo sa kaniya. Awtomatiko nitong pinunasan ang pawis sa noo niya gamit ang malinis na bimpo na dala nito. Dahil mas matangkad si Warren ay bahagya siyang napatingala rito.

She could see his handsome face and his pointed nose. Ngayon niya lamang ito natitigan ng ganito. Warren is indeed handsome. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito. Bigla siyang napakurap nang magtama ang mga mata nilang dalawa. She feels confused all of a sudden. Basta na lamang tumibok ng napakalakas ang puso niya.

"Wipe your sweat on your neck. Use this," sabi nito habang inaabot ang bimpo sa kaniya.

Inabot niya iyon at nagpasalamat. Awtomatiko niyang pinunasan ang pawis sa leeg. Nakita niyang bumaba ang tingin ni Warren sa leeg niya. Napatikhim ito at kaagad na tumalikod. Inasikaso nito ang mga dalang isda.

"Do you need help?" she asked and walked towards him.

Hinawakan niya ang timba na hawak nito para sana tulungan ito pero biglang tumalon ang isang isda na laman niyon. 

"Aw!" Bigla niyang nabawi ang kamay nang maramdaman ang hapdi.

Dumugo iyon dahil natamaan ng malaking isda. Nabitawan ni Warren ang hawak na timba at kaagad na hinila ang kamay niya nang akmang hahawakan niya iyon.

"Let me see." He automatically checked her hand.

Napasinghap siya nang sinubo nito ang isa niyang daliri at bahagya iyong sinipsip. Halos hindi siya makahinga dahil sa ginawa nito. She was taken aback and she doesn't know how to react!

Nakahinga na lamang siya ulit nang binitawan nito ang daliri niya at may nilabas ito mula sa bibig. Tinapon nito iyon. Kaya pala ang sakit, may pumasok pala na kung ano sa daliri niya. 

Halos napatulala naman siya kay Warren. Napatingin ito sa kaniya at bigla ay natigilan nang mapagtanto kung ano ang ginawa nito.

"I'm sorry, I had to do that." Kaagad itong nagpaliwanag.

"I-It's okay," she answered. "Thank you." Iyon lamang at halos takbuhin niya ang bahay para maitago ang pamumula ng buo niyang mukha.

Pagdating niya sa kuwarto ay napahawak siya sa sariling dibdib sabay tingin sa daliri niya na isinubo ni Warren kanina. Mas lalong nag-init ang buo niyang mukha. Wala sa sariling pinaypayan niya ang sarili dahil ang init-init ng pakiramdam niya.

She tried to calm herself and she finally calmed down, she took her towel and went to the bathroom. Naligo siya at nag stay ng ilang minuto roon. She's just using a tabo while taking a bath. Nag eenjoy siyang gamitin ang tabo na iyon kahapon pa.

After taking  a bath, nagsuot siya ng puting bestida na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya. Her legs were too exposed. Nag apply na rin siya ng make-up sa mukha bago lumabas. Nakita niya sa labas si Warren na may kausap na ilang kalalakihan. Dala na ng mga ito ang ibang nahuling isda ni Warren.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now