Chapter 9 (Touch Me)

8.1K 354 83
                                    

CHAPTER 9

"TAKE OFF YOUR CLOTHES. Wear this."

Inabot ni Warren sa kaniya ang malinis na damit. Nagtataka siya kung saan nito iyon nakuha kaya tinitigan niya iyon.

"Nanay Helen gave that to me," paliwanag nito.

Marahil ay nabasa nito ang katanungan sa mukha niya.

"Nanay Helen?" she asked.

Tumango ito.

"She lives near here," tugon ni Warren.

Kaya pala nawala ito ng ilang minuto kanina at pagbalik ay may mga dala na ito.

"Medyo masama ang panahon. I didn't expect it to be so bad. It's my fault for not noticing. I'm sorry," sabi nito habang nakatingin sa kaniya.

"It's okay," mahinang sabi niya at tumingin sa paligid. "Where I could change my clothes?" she asked.

"You can change over there and─" Natigil ito sa pagsasalita nang basta niya lamang hinubad ang suot na damit sa mismong harapan nito.

Kaagad naman itong tumalikod.

"Erixelle, don't just take off your clothes in front of me. You've been doing this for a while now," sabi nito at napabuntong-hininga.

"You're my husband so I don't mind," she said after changing her clothes.

Tiningnan niya ang sarili. Sumakto ang white dress sa kaniya.

"Whose dress is this?" she asked.

"Sa bunsong apo ni Nanay Helen. She's not here. Sa Manila nag-aaral kaya 'yan na muna ang pinahiram ni Nanay Helen," sagot ni Warren. "Are you done changing your clothes?" tanong nito.

"Yeah," she answered.

Awtomatiko naman itong tumingin sa kaniya.

"How about you? Your clothes, it's all basa," sabi niya habang nakatingin sa katawan ni Warren.

Dahil basa ang suot nito ay bakat na bakat ang maganda at matipunong katawan ni Warren. She could even see his protruding veins on his arms. 

"I'm okay. Mamaya na ako magbibihis," anito at tumingin sa bangka.

Napabuntong-hininga ito habang tinitingnan ang bangka. May sira na iyon dahil sa nangyari kanina. 

"Are you really okay? Wala kang sugat or anything?" tanong nito nang muling tumingin sa kaniya.

"I'm okay," she replied.

Wala naman siyang natamong sugat sa kahit na aling parte ng katawan niya. Bigla siyang bumahing at napayakap sa sarili nang makaramdam ng lamig.

"Let's go to Nanay Helen's house. It will rain in any moment. Doon na muna tayo," sabi nito at awtomatiko siyang hinawakan sa kamay.

Napatingin siya roon. Sumunod siya kay Warren nang naglakad na ito. Hindi niya alam kung aware ba ito kung gaano kahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. 

Nang makarating sila sa bahay na sinasabi nito ay kaagad na lumabas ang matandang babae. Maybe that was Nanay Helen that Warren was talking about?

"Hijo, hali kayo. Pasok kayo rito," nakangiting sabi ng matanda.

"M-Magandang..." Tumingin siya kay Warren. "What's good afternoon in tagalog?" mahina at nahihiyang tanong niya.

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya.

"Magandang hapon," pabulong na sabi nito.

Tumango siya at muling tumingin kay Nanay Helen.

"Ahm...magandang hapon...po?" Alanganin siyang napangiti.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now