Chapter 20 (Voice)

7.7K 459 125
                                    

CHAPTER 20

NAPAHILOT sa sentido si Warren habang si Gail naman ay halos hindi na mapakali.

Maraming tao na siyang kinausap para mahanap si Erixelle. He even called the chief of police and they are trying their best to find Erixelle.

Walang nakakaalam sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang maka-istorbo sa mga ito. Even his father doesn't know about this.

He's on his own right now. Sa tulong ng mga taong tinawagan at kinausap niya kanina ay ginagawa na ng mga ito ang lahat para mahanap si Erixelle.

He cannot contact his wife as well since she left her phone. He let out a heavy sigh. Napatingala siya sa kisame at hinilot ang ulo.

"Señorito." Awtomatiko siyang tumingin kay Gail.

"Yes, Gail?" Umayos siya ng upo.

Nag-aalangan itong magsalita kaya kumunot ang noo niya.

"What is it?" tanong niya.

"Hindi niyo siya mahahanap  kung tinanggal na niya ang make—"

Biglang tumunog ang cellphone niya. He got up from his seat when he saw the caller.

"Chief," bungad niya.

The chief of police gave him some updates. Unfortunately, there's still no good news.

Hindi niya alam kung saan niya mahahanap si Erixelle. This is making him crazy. He even tried to find her in every bar that Gail gave him. Pero wala ang asawa roon. Lahat ng may-ari ng bar na iyon ay kinuha niya ang mga contact numbers.

He was even willing to pay them as long as they could give him some information. Nangako ang mga ito na tatawagan siya kapag nakita si Erixelle.

He ended the call and let out a sigh. Muli niyang tiningnan si Gail.

"What were you saying again?" he asked.

"Ahm..." Napakamot ito sa ulo. "Wala po, Señorito," sabi nito at nagbaba ng tingin.

He knew that Gail is worried of Erixelle. Kanina pa ito hindi mapakali. Alam niya kung gaano ito kalapit sa asawa niya.

"Makikita natin siya, Gail. I promise you that," he assured her.

Tumingin ito sa kaniya at maluha-luhang tumango.

"Salamat, Señorito," sabi nito habang may pag-asa sa mga mata.

Muling tumunog ang cellphone niya. The call came from an unknown number. No one knows his personal number but his own family only.

Hindi siya sumasagot ng tawag mula sa hindi niya kilala so he declined the call. After a few seconds, the same number called again.

Napabuntong-hininga siya. Sinagot niya ang tawag at akmang magsasalita nang marinig niya ang boses ng nasa kabilang linya.

"Warren..." That voice...

Dali-dali niyang kinuha ang susi ng kotse sabay tingin kay Gail. Kaagad siya nitong naintindihan kaya nang humakbang siya ay sumunod ito.

"Erixelle. Oh god. Baby, where are you?" Kaagad na tanong niya habang mabilis na naglalakad patungo sa kotse niya.

Parang gustong lumabas ng puso niya.

"I don't know." Narinig niya ang paghikbi nito. Ramdam niya ang panic sa boses ng asawa.

"I don't why I'm here. I don't know. Please, please, come here. I want to see you, Warren. Come here, please." Mas lalong nag panic ang boses nito.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now