Chapter 8 (Don't Save Me)

6.8K 369 90
                                    

CHAPTER 8

ILANG BESES na tiningnan ni Erixelle ang suot. Nagbihis siya kaagad pagkatapos siyang tanungin ni Warren kung gusto ba niyang sumama dahil may bibilhin ito.

Hindi naman niya alam kung lalabas na ba siya ng kuwarto o hindi. Pagkatapos ng nangyari kanina ay tahimik silang pareho ni Warren. Para bang tina-tanya rin nito ang mood niya at nagpapasalamat siya dahil nirespeto ni Warren ang pananahimik niya.

Lumabas lamang siya ng kuwarto kanina nang tinawag siya nito para kumain ng lunch nila. Naninibago pa siya kanina dahil kasabay niya itong kumain tapos pareho silang walang imik. Pero hindi niya mawaglit sa isip kung paano siya nitong inaasikaso kanina habang kumakain sila.

Muli niyang tiningnan ang sarili at mahinang napabuntong-hininga. She decided not to wear any make-up. She's just not in the mood. Nasuot na lamang siya ng facemask.

Lumabas na siya ng kuwarto pagkatapos maglagay ng pabango sa katawan. Lumabas siya ng bahay at nakita si Warren sa dalampasigan. Nakatayo ito malapit sa bangka. Alam niyang hinihintay siya nito.

Bago siya humakbang ay pinagmasdan niya muna ito. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Warren sa kaniya. Did he find her weird? Hindi niya mawari kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Warren is always quiet and calm. She doesn't even know why he brought her here in Isla Fontana. 

But for some reason, she is thankful that she got to see this side of him. Warren is caring and he seemed a very simple person. Alam niya kung gaano kayaman ang pamilyang Ramirez pero nakita niya na sanay ito sa mga simpleng bagay na para bang mas gusto nitong mamuhay ng katulad na normal na tao. For someone like them whose born with golden spoon in their mouth, a simple life feels like a dream. It's not that easy to live a normal life. Lalo na at pareho silang kinasal ni Warren at sumusunod lamang sa gusto ng mga magulang nila.

Ngayon niya naisip na wala siyang ibang alam kay Warren maliban sa matalik na magkaibigan ang mga magulang nila. She read his profile before their marriage and she know that Warren is a successful businessman just like his father. Alam din niya ang edad nito. Malaki ang agwat ng edad nilang dalawa. He has no bad record and she heard that he's been a good son. Panganay ito at may dalawang kapatid. Wala rin siyang narinig na nagkaroon ito ng karelasyon.

"And who is that Yumi, then?" Wala sa sariling tanong niya.

Ngayon na lamang bumalik sa isip niya ang pangalan na binanggit nito noong gabing lasing si Warren at hinalikan siya. She heard him called other woman's name. Such a coincidence that the name is the same name with the person she knew. Hindi niya alam kung alam ba ni Warren na hinalikan siya nito nang gabing iyon dahil lasing ito.

Tuluyan siyang humakbang nang makitang lumingon si Warren sa kaniya. Nang makarating siya sa harapan nito ay kaagad siya nitong inalalayan paakyat sa bangka. Inayos niya ang buhok dahil makalat iyon. She tried to tie her hair but she's not really good on it. 

"Ako na," anang Warren at kaagad na pumuwesto sa likuran niya sabay tali ng buhok niya.

Nagpasalamat siya rito. Pinaandar na nito ang bangka at habang nasa dagat na sila patungo sa kung saan ay hindi niya mapigilang tingnan si Warren. Sakto namang tumingin din ito sa kaniya.

"May sasabihin ka?" tanong nito.

Palihim niyang kinurot ang mga daliri.

"I...just want to say sorry," mahinang sabi niya.

"What?" he asked.

Mukhang hindi siya nito narinig dahil sa ingay ng makina ng bangka nito.

"I said, sorry," ulit niya.

Isla Fontana Series #6: Loving Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now