Chapter 16

1.8K 81 10
                                    




"Bansa, may napapansin ka ba kay Yve?" tanong ni Shans habang kumakain kami ngayon sa cafeteria at naghihintay kay Yve na matapos sa trabaho nito.

Sandali akong nag-isip saka marahan na tumango. "These past few days, I noticed her staring at Miss Cromwell."

Napatango si Shantellemo. "Pero feeling ko hindi niya yun alam— na wala siyang kaalam-alam na tumititig na pala siya kay Miss Cromwell."

I nodded.

Kahit ako napapansin ko rin yun kay Yve, never ko siyang nakitang tumitig sa isang tao ng matagal dahil naka-pokus lamang siya sa kanyang ginagawa at wala itong pakialam sa paligid niya. Kaya nga nabubully siya at napa-prank dahil napaka-manhid nito sa kanyang kapaligiran.

Pero naiintindihan naman namin siya dahil sa dami ba naman ng iniisip niya, lalo na sa mga gastusin nila sa bahay at gamot ni Saphire pa. Hindi niya lang pinapakita pero alam namin na araw-araw itong stress at pagod dahil sa pagt-trabaho at pag-aaral.

Mabuti nalang tapos na ang championship ng archery, medyo nababawasan narin ang iisipin niya.

I sighed. "She likes her." kalaunay wika ko. "Kitang-kita sa mga mata niya." dagdag ko.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung makakaramdam ba ako ng selos, pero hindi, bagkus ay nakaramdam ako ng kaginhawaan, I'm happy to know that I already moved on from her.

"But..." I trailed off, sighing. "Takot ako na baka masaktan si Yve."

Shantelle let out a deep breath. "We can't do anything about that, pain is part of liking someone." she uttered, now looking intently at her fries. "And Miss Cromwell is the next reigning Queen, kaya kapag lumalim pa ang nararamdaman ni Yve talagang masasaktan at masasaktan siya."

She's right.

"What should we do, Shans?" I asked

"Like we always do, be there for her... always."





Andito ako ngayon sa GGH, dinadalaw ang future wife ko. Pagkatapos kong ihatid si Shantellemo sa bahay nila ay umuwi muna ako ng bahay para mag-paalam sa mga magulang ko bago ako dumiritso dito.

Wala kaming klase sa kanya kanina kaya ito ako ngayon namimiss siya lalo na't maaga din siyang umalis sa campus kanina.

Andito pa ako sa parking lot elevator at hinihintay ito. Tapping my shoes on the ground, I ready myself ng makitang malapit na ang elevator. Pagkabukas nito ay papasok na sana ako pero napahinto ako ng ng makita ko ang isang nurse— ang isang napaka-pamilyar na tao.

Agad kumunot ang noo nito ng mapagtanto kung sino ako, mag-isa lang din ito sa loob ng elevator. Napatingin ako sa badge niya at nakitang dito siya nagtatrabaho sa GGH.

"Fancy seeing you here, Rodriguez." ani nito saka walang paalam na hinila ako palayo sa elevator.

"Let me go, you fucker." I hissed, his gripped on my arms were too tight that I can almost feel my bones breaking since I'm a little skinny.

He is Smoultite, I won't forgot that fucking surname and face, he's one of Yvette's bully before he graduated. Freshmen pa lang si Yve dati ng binubully na niya ito, habang siya naman ay graduating na.

Halos araw-araw nitong pina-prank si Yve, mabuti nalang at alisto kaming dalawa ni Shantellemo dahil kung hindi baka mapuno ng pasa ang katawan ni Yve dati. Okay lang naman sa amin ni Shantellemo na magkapasa kahit papano dahil wala naman kaming ginagawa sa buhay kundi ang mag-aral pa lang, pero si Yve ay hindi, pagod ang katawan nito dahil sa pagtatrabaho.

Nung maka-graduate nga siya ay nakahinga kami ng maluwag ni Shantellemo.

"Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong pamamahiya sa akin dati." umismid ito saka ako pabalang na binitawan— halos mawalan ako ng balanse sa lakas ng pagbitaw nito sa akin.

"You deserved it for always bullying my friend." I spatted, not really scared of him.

Suntukan pa kami, pero huwag muna ngayon saka na kapag medyo tumaba na ako. Maton kasi ang lalaking ito, varsity pa naman to ng basketball dati sa CU.

Inangat nito ang kanyang braso at pinakita ang may medyo kalakihan na peklat dun, ako ang may gawa nun. In my defense, kasalanan niya rin yun, sinubukan kasi niyang saktan si Yve gamit ang archer arrows eh, napakatulis nun, pwedeng ikahospital yun ni Yve kapag nagkamali sila ng lagay kaya ang ginawa ko ay pinalitan ko ang direksyon nito at tinutok iyon sa kanya, at mabuti nalang ay saktong tumama ito sa kanyang braso. Dahilan upang pagtawanan siya ng mga studyante sa CU dati dahil pumalpak ang patibong niya na para kay Yve.

"Pakialamero talaga kayong magkaibigan." galit na sambit nito saka marahas na hinila ang buhok ko dahilan upang mapadaing ako.

Ang sakit potek.

"Bitawan mo ako. Napakalalaki mong tao, pumapatol ka sa babae." galit na sambit ko habang namimilipit sa sakit. "Nurse ka pa naman." dagdag ko pa at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa aking buhok.

Pero imbes na bitawan ako nito ay sinuntok pa ako nito sa aking tiyan gamit ang kanyang isang kamay habang hawak-hawak pa rin ng mahigpit ang aking buhok. Akala ko bibitawan na niya ako pagkatapos nun pero sinuntok muli ako nito ng dalawang beses pa, dahilan upang halos mawalan ako ng hininga.

Akmang susuntukin din niya ang aking mukha ng mabilis akong umiwas kaya tumama ang suntok nito sa braso ko kaya napakagat ako ng madiin sa aking labi dahil sa sobrang sakit.

He can punch me anywhere, just not my pretty face. I don't wanna worry anyone kapag nakita nilang may pasa ako sa mukha.

"Y-You j-jerk." nahihirapan sambit ko habang napahawak na sa aking tiyan dahil ramdam na ramdam ko na ang sakit mula dun.

Be strong, be strong Jade, don't passed out yet. I mentally calmed myself.

"You look so helpless now, Rodriguez. Saan ngayon ang tapang mo?" tumatawang sambit nito saka ako muling sinuntok sa tiyan.

"F-Fuck." I almost lost my breathe.

Kakasabi ko lang kanina na huwag kami ngayon mag-suntukan eh. Luging-lugi ang katawan ko sa kanya. Yawaaa.

He was about to throw me another punch when we heard a honk of a car. Mabilis niya akong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig, bago siya umalis ay sinipa muna nito ang aking binti at nginisihan ako.

"Expect more of beating when I see you again, Rodriguez. Kaya huwag na huwag mo ng ipakita sa akin yang pagmumukha mo." aniya bago tuluyang umalis.

Nang makita kong nakalayo na siya ay nanghihina akong tumayo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang aking tiyan at namimilipit sa sobrang sakit. Naglakad ako pabalik sa aking sasakyan.

Hindi nalang muna ako tutuloy ngayon kay Prof Griffin, dahil panigurado mag-aalala yun sa akin at baka makarating pa ito sa mga magulang ko.

Nang makarating ako sa aking sasakyan ay binuksan ko na ang driver seat saka kinuha ang aking cellphone sa bag upang tawagan si Shantelle. I don't think I can drive right now with my situation.

"S-Shit..." mura ko ng napaubo ako ng dugo dahilan upang mabitawan ko ang aking cellphone at mabilis kinuha ang panyo sa aking sa bag.

Dahan-dahan akong huminga muli upang hindi ako mawalan ng malay, kailangan ko pang tawagan si Shantellemo.

Kinuha ko muli ang aking cellphone at agad na hinanap ang contact ni Shantellemo, akmang pipindutin ko na yung number niya ng bigla nalang parang namanhid ang aking katawan dahil sa sobrang panghihina ko kaya nabitawan ko muli ang aking cellphone at nahulog iyon sa sahig ng sasakyan.

Muli akong huminga ng dahan-dahan pero sobra na ang pananakit ng aking tiyan.

"I-I need to call, Shantelle...." I mumbled to myself before I lost my conciousness.

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon