Chapter 15

2.9K 102 26
                                    


SARYIA




"Wooow! Thank you so much po, Future Wife ni Tita Sary!" Saphire beamed as Prof Griffin gave her the color pencils for her and Cassia.

"You're welcome, Darling." Prof Grifiin smiled at Saphire before hugging her back.

Ilang sandali pa ay nagsimula na rin gamitin ni Saphire yung binigay ni Prof Griffin na color pencils, may binigay rin kasi ako sa kanilang sketch pad, para sa kanilang dalawa ni Cassia lalo na't mahilig silang mag-drawing dalawa.

Habang busy si Saphire sa pagd-drawing ay pa-simple akong lumapit kay Prof Griffin na busy na rin ngayon sa pagtitipa sa laptop niya. Wala pala kaming klase mamaya sa kanya kaya malamang mab-boring na naman ako sa klase ni Mr. Bartolome.

"R-Rodriguez!" Prof Griffin hissed.

Walang sabing hinila ko kasi paatras konti ang upuan nito para makaupo ako sa kandungan niya saka inilibot ang aking mga kamay sa batok niya para mayakap ito.

"I'll miss you, wala akong pasok sayo mamaya tapos may family dinner pa kami mamayang gabi." I pouted.

"Huwag kang OA, Rodriguez, parang di mo ako makikita bukas." naiiling na sambit nito saka marahan akong pinatayo sa pagkakaupo sa kandungan niya. "You're being clingy too much." she added before rolling her eyes on me.

Irap ng irap sa akin, akala mo naman hindi ako asawa.

"Sayo lang din naman clingy." proud na bigkas ko at itinaas-baba pa ang aking kilay pero muli ay irap lang ang sinagot nito sa akin bago ito bumalik sa pagtitipa sa kanyang laptop.

Napabuntong-hininga nalang ako at lumapit sa gawi ni Saphire para turuan itong mag-drawing. I know how to draw, sa aming magkakaibigan ako ang pinakamagaling na mag-drawing, si Shantellemo marunong din pero hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin lalo na't tamad ito, kahit nga pagsusulat ay tinatamad ito, habang si Yve naman... well, matalino siya sa klase, huwag niyo nalang ipag-drawing. hehe

"Tita Sary ang galing mo po mag-drawing." manghang wika ni Saphire habang nakatingin sa babaeng dinrawing ko. "And her dress looks so good on her." dagdag pa nito saka pumapalakpak.

Namumula ang mukhang napangiti ako. Kapag talaga sinasabihan akong maganda ang mga gawa kong drawing at designs ay hindi ko maiiwasan na mamula sa kasiyahan. Ang sarap lang kasi nito sa pakiramdam.

"Thank you, Saph." ani ko saka hinalikan ang noo nito.

Napunta naman ang tingin ko kay Prof Griffin na nasa amin na pala ni Saphire ang atensyon ngayon, nakaharap kasi ako sa kanya ng upo dito sa sahig ng office niya dahil may maliit na mesa naman malapit dito sa sofa kung saan kami nagd-drawing ni Saphire.

May konting ngiti ito sa kanyang labi pero agad din yung nawala at inirapan ako ng mapansin nitong nakatitig na rin ako sa kanya.

Naiiling na kinindatan ko nalang ito dahilan upang makatanggap ulit ako ng irap mula sa kanya.







"Darling, what's your plan after graduation?" my mom asked me as we ate our dinner here in one of the finest restaurant here in Philippines that located here in BGC, Manila.

Nakagawian na namin magpamilya na kumain sa labas at least once or twice a month as our bonding since both of them are kind of busy sometimes. As for my sister naman ay natawagan na namin ito kanina.

Pagkatapos kong malunok ang kinakain ko ay uminom muna ako ng tubig bago ito sinagot. "I'm gonna court my future wife, Mom." masayang bigkas ko at may malawak na ngiti pa nakatingin sa kanilang dalawa ni daddy. "And after that I'll marry her." dagdag ko pa habang kumikinang ang aking mga mata.

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon