Chapter 18

1.9K 97 15
                                    




"Class dismissed."

Mabilis kong inayos ang aking mga gamit saka lumabas ng classroom. I'm exhausted, I haven't slept yet since last night dahil may inoperahan akong pasyente kahapon, biglang nagka-emergency kasi ang isang doctor na nagt-trabaho sa GGH kaya ako na ang nag-fill in ng role niya.

It was a five hour operation, and after that diretso agad ako dito to do my duty as a professor, and also as a bodyguard of Clementine— kahit pa naman na mas magaling siya sa amin at hindi niya kami itinuturing na bodyguard ay nangako parin akong babantayan siya. My loyalty is on her.

"You look tired, Beau." bungad ni Clems sa akin ng pumunta ito dito sa opisina ko. Himala ata at hindi nakabantay sa paborito niyang studyante.

Marahan akong tumango saka hinilot ang aking sentido dahil nagsisimula na naman itong sumakit. "I haven't had my sleep yet, tapos kailangan ko pang tapusin i-review 'tong mga data at reports na galing sa GGH." sagot ko bago humikab.

"Get some rest, you can do that later." ani nito bago naglakad sa ref ko dito sa loob at kumuha ng isang water bottle. "Anyway, I'm here to tell you that Frei needs your help." wika niya bago naglakad pabalik sa mesa ko at umupo sa bakanteng upuan.

"What help?"

"She wants you to bomb—"

"Okay, I'm in. When?" para akong nabuyahan dahil sa narinig.

Clementine rolled her eyes. "I really hate it when people cut me off when I'm talking, be thankful that you are my bestfriend." how can I forgot about that one? Oopss.

I smiled sheepishly as I raised my both hands in surrender. "Chill. Na-excite lang ako, you know that I love playing with your bombs." I apologized.

Muli ako nitong inirapan saka tumayo. "Just call Frei. I need to go. You get some rest." sabi nito saka lumabas na ng opisina ko at hindi na hinintay ang sagot ko.

Habang patuloy ako sa pag-aayos ng mga data at reports ay muling bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok mula doon si Rodriguez na may dala ulit na paper bag habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Hey future wife, I miss you today." ani nito pagkalapag niya ng paper bag sa mesa ko.

Thursday ngayon kaya wala silang pasok sa akin.

"Magkasama lang tayo kagabi sa condo ko, Rodriguez, masyado kang OA." irap ko dito. Bago kasi ako pumuntang GGH kahapon ay pinatulog ko muna ito saka ako umalis sa condo ko.

Marahan naman itong napatawa. "Bakit ba? Eh, sa segu-segundo kitang namimiss eh. Ganyan talaga kapag mahal mo yung tao." sagot nito at lumapit na sa gawi ko. "Tsaka wala ka kanina sa tabi ko paggising ko kaya mas lalo kitang namiss." dagdag nito saka umupo sa aking kandungan.

Napairap ako muli dahil sa sinabi nito at hinayaan na lamang siyang umupo sa kandungan ko dahil pagod ako ngayon— baka siya pa makaubos ng natitira kong enerhiya sa katawan.

"You're tired and yet you still manage to look so gorgeous, future wife." pagpuri nito sa akin dahilan upang makagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapangiti.

I really hate it when she's like that. Hindi ko man lang kayang kontrolin ang emosyon ko pagdating sa kanya.

"I'm exhausted, now get off me." pagtataray ko upang mapigilan ang sarili na mapangiti.

Natatawang tumayo si Rodriguez mula sa pagkakaupo sa kandungan ko saka ako hinila patayo rin. At dahil pagod ako ay nagpatangay nalang ako sa kanya. Dinala ako nito sa sofa dito sa loob ng opisina ko at ipinaupo sa sofa.

Marahan ako nitong isinandal sa pagkakaupo sa sofa saka sinimulan iminasahe ang aking sentindo. "Close your eyes and get some rest, I'll wake you up later kapag lunch na, hmm, future wife." malambing na sambit nito.

Hindi na ako sumagot at sinunod lang ang sinasabi nito. This is what I really like about her, sa tuwing alam nitong pagod ako ay hindi ako nito ginugulo bagkus pa ay minamasahe ako nito minsan at pinagpapahinga habang pinagsisilbihan ako.

Sobra-sobra siya kung pagsilbihan ako, kahit pa na tinatarayan ko ito most of the time.




Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip, nagising na lang ako ng marahan akong tapikin ni Rodriguez— di ko rin namalayan na pinahiga na pala ako nito dito sa sofa.

"Future wife, lunch na po." malambing nitong wika. Sandali ko munang ipinikit ang aking mata upang maka-adjust sa ilaw bago ako bumangon.

Kumalam agad ang sikmura ko ng makita ko ang pagkain na nakahain na ngayon dito sa center table. Dahan-dahan iniurong ni Rodriguez ang mesa palapit sa akin para hindi na ako mahirapan na abutin ang mga ito.

"You cooked buttered shrimp?" tanong ko at itinaas ang isang kilay.

"Yes, yes." masayang sagot nito at proud na proud pa. "Charlotte said that you also loves shrimps."

"Rodriguez, you're allergic to shellfish, next time huwag mo na akong ipagluto ng seafoods na allergic sayo." hindi maiwasan mag-alalang sambit ko. "Paano kapag aksidente mo itong matikman tapos wala kang kasama?"

It's not like I'm not grateful of her, I actually appreciate her cooking— she's a good cook. But her health must always come first.

"Worry not, my future wife, si Charlotte ang pinatikim ko niyan saka pangako di ako magluluto ng shellfish kapag ako lang mag-isa." paninigurado nito bago kumuha ng plastic gloves at nagsimula nitong himayin ang shrimp saka inilagay sa plato ko na may kanin na. "Kain na ikaw, future wife."

Damn, heart, be still. I must admit that everytime she's like this— I mean ang pagsilbihan ako ay di ko maiwasan yung sayang nararamdaman ko sa aking dibdib. Should I consider myself lucky?

I cleared my throat trying to hide the fact that what's she's doing right now is making my insides fluttered. "What about you, Rodriguez?"

"Kumain na po ako, future wife. Kailangan namin sabayan si Yve kasi kung hindi magd-diet na naman yun." sagot nito at bahagya pang tumawa.

I know Martinez situation dahil narin iyon kay Clementine. I really admired their friendships, kahit anong mangyari ay nagtutulungan talaga sila.

Marahan lamang akong tumango at nagsimula ng kumain habang patuloy parin sa paghihimay si Rodriguez ng shrimps para sa akin.


"Thank you, Jade. The food is great." I said, giving her a soft smile which cause her cheeks to turn into a crimson red.

Pinipigilan ko naman ang aking sarili na mapangiti ng makita ko kung gaano kalakas ang epekto ko sa kanya.

"My pleasure, future wife. As your wife, it is my duty to make you healthy and happy."


And there goes my heart again.

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon