Chapter 20

1.9K 90 27
                                    




"Sigurado ka bang gagana ang plano niyo ni ate Cleofel?" tanong ni Charlotte.

Masaya akong tumango. "Of course, may tiwala ako sa future wife ko." proud kong sagot sa kanya. "Sasabihan ko nalang kayo kung nag-message na sa akin si future wife." dagdag ko saka hinalikan ang mga pisngi nila.

Andito kaming apat nina Ruelle, Charlotte at Shantellemo sa parking lot, dito kami dumiritso pagkatapos ng P.E namin habang si Yve naman ay papunta na sa shift niya sa cafeteria.

Sabi ni future wife na huwag daw muna namin samahan si Yve ngayon papuntang cafeteria dahil susubukan na niyang gawin yung sinabi niyang plano sa akin kahapon— hopefully, gumana iyon.

"Alright, message me too. Kailangan ko ng umalis at puntahan ang gf ko bago pa siya makasapak ulit ng studyante dito." umiiling na tawa ni Ruelle.

May nasapak kasing studyante si Miss Kim nung nakaraan araw dahil nagselos ito. Dikit ng dikit kasi yung studyante kay Ruelle kaya ayun nasapak. Sabi ni Ruelle na bigla daw na-demonyo ang kamay ni Miss Kim at nanapak ng studyante.

"Papansin naman kasi si Fred sayo, akala mo naman gwapo mukha namang si Sid ng Ice Age." komento ko dahilan upang magtawanan kaming apat.


"Oh siya, pupunta muna kaming cafè ni Elle, doon nalang muna kami tatambay at balik nalang kami mamayang lunch dito." wika ni Charlotte habang hawak-hawak sa beywang si Shans.

Akmang magsasalita sana ako ng may matanggap akong mensahe galing kay Prof Griffin. Binuksan ko ang aking cellphone at binasa ito saka ako napangiti ng malawak.

"Nag-uusap na daw ngayon si Miss Cromwell at Yve sabi ni future wife." balita ko sa kanila.

"Hopefully, it turns out good. Mukhang whipped pa naman sa kanya si ate." pagtawa ni Charlotte.

"Talaga? Kasi parang UNDERstanding masyado yung friend namin kay Miss Cromwell eh." wika ni Shans saka tumawa.

"We'll see." Ruelle shrugged her shoulders. "I gotta go now."

Nagpaalam narin kami sa isa't isa at magkikita nalang muli mamaya sa cafeteria para sabayan kumain si Yve.


———

"Ang galing mo talaga future wife, kaya mahal na mahal kita, eh." masayang bigkas ko saka ito sinalubong ng yakap.

Siya naman ay tinutulak ako palayo dahil sinumpong na naman ng toyo ang utak niya. Minsan lang kasi sweet ang isang Cleofel Beau Griffin.

Andito na ako ngayon sa opisina niya, wala naman akong ibang pupuntahan dahil yung mga kaibigan ko busy din sa mga lovelife nila. Kaya dapat ako rin busy sa future wife ko.

"Enough now, Rodriguez. You're being clingy again."

"Why? Don't you like me being clingy?"

"No." mabilis na sagot nito dahilan upang mapalabi ako.

Humalukipkip ako saka umingos. "Well, get used to it because I'll surely cling to you all the time."

Napailing nalang si Prof Griffin saka umayos sa pagkakaupo nito. "Are you really sure that your friend has feelings for my friend?" nakataas na kilay na tanong nito.

I nodded. "Yes, she admitted it to us. Well, at first she was being in denial about it but as the days passed she eventually realized that her feelings for Miss Cromwell is not just infatuation."

"I see."

"What about Miss Cromwell? Does she have feelings for Yve? Like romantic feelings?" I asked.

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon