Chapter 26

1.8K 101 36
                                    




Busy akong gumagawa at nagch-check ng mga projects ng mga studyante ko sa CU dito sa aking opisina. Magp-prelims na kaya halos lahat sa kanila ay nagpapasa na ng mga projects to make up for their poor grades.

I'm not that heartless when it comes to grading unlike Clementine and Ate Vera, ang dalawang yun ay talagang nagbibigay ng F. Tipong hindi madadala sa pa-project at kahit ano pa yan.

Patuloy ako sa pagch-check ng mga project nang pumasok si Clementine sa opisina ko, kasunod nito si Mallory.

"Beau." agad na tawag ni Clementine sa atensyon ko.

"Yes, Clems?"

"Can you check Gwen's classmates projects too?"

"Why not Mallory?" tanong ko at tumingin sa gawi ni Mallory na nakaupo na ngayon sofa.

"May pinapagawa ako sa kanya, pwede naman palit kayo?" sagot nito.

Sandali akong nag-isip saka ibinaba ang hawak kong pulang ballpen. "Ano ba pinapagawa mo sa kanya?" ang dami ko pa kasing projects na ich-check tapos gagawa pa ako ng reports sa GGH. I'm bombered with papers right now.

"Stalking her delusional suitor." it was Mallory who responds to my question.

Ew. I'd rather check these projects.

"Nah. I'll pass. Stalking is not my forte, and it's boring." marahan akong umiling. "And I'm not a stalker." dagdag ko pa.

Mabilis na tumaas ang kilay ng dalawa kong kaibigan habang nakatingin sa akin. "Really? Not a stalker?" ani ni Mallory sa mapang-asar na boses.

"Yeah, Mall. She's not a stalker. Aksidente niya lang tinitignan ang profile ng babae niya araw-araw." Clementine sarcastically butted in.

"That's not true." I denied.

"Sure, I believe you, Cleofel Beau." walang ganang sagot ni Clementine saka umupo sa sofa katabi ni Mallory.

Napaikot nalang ako sa aking mga mata saka muling kinuha ang pulang ballpen ko. "I'll tell your men to send those projects here, Clems." sabi ko dito.

"Alright." she nodded. "I gotta go, magkikita kami ngayon ng babaeng kinidnap ni Freirain."

"Gosh, Clems! It's Ate Vera." Mallory chuckled. "You and your nicknames, seriously."

Close kasi si Ate Vera at Clementine, for Clementine, Ate Vera is like an older sister to her and she look up to her. Whenever she needs some advice kay ate Vera siya parating pumupunta. Kaya minsan pinagseselosan na ni Frei itong kaibigan namin— that stupid hotdog.


"Ngayon nalang ulit kayo magkikita ni ate Vera, right?" tanong ko.

Clems nodded. "Yeah, we both got busy and also sumasakit ulo niya sa kaibigan natin at sa anak nila."

"Alam niyo, hindi nga namana ng anak nila ang pagka-stupid ni Frei pero yung pagiging gullible ni Frei nakuha naman niya." Mallory shook her head.

"Ain't that the same thing though?" sambit ko.

"Well yeah, but Frei's stupidity is on another level." Mallory agreed. "Ibang klase mainlove, nabobobo."

I chuckled. "Ang sama mo kay Frei, Mall."

"Oh well, she knew that she's stupid though." Mallory laughed. "Only for ate Vera, pagdating kasi sa korte ang halimaw nito, di mo aakalain na bobo ito pagdating sa pag-ibig."

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon