Chapter 21

1.6K 75 4
                                    





Kinaumagahan nagising ako ng madaling araw at wala na si Prof Griffin sa tabi ko ng kinapa ko ito.

'Nanaginip lang ba ako kagabi? I'm pretty sure umuwi siya kagabi at siya nagdala sa akin dito sa kwarto niya.' pag-iisip ko.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at kinuha ang aking cellphone na nasa bedside table ni Prof Griffin. Pagbukas ko dito ay nakita ko agad ang mensahe niya sa IG.

@cleobg

I have an urgent meeting at GGH, I didn't bother to wake you up because it's still early. Have breakfast first before you go to school.

Take care, Rodriguez.


Napangiti ako sa message nito saka nag-type ng reply.

@jadegriffin

Good morning, future wife.
Akala ko paniginip lang last night hehe. Opo kakain ako ng breakfast, I don't wanna worry my future wife. Ikaw din po kumain diyan. I love you.


Pagkatapos kong i-send ang message ko ay naghintay pa ako ng ilang saglit sa reply nito pero wala akong natanggap kaya pumanhik na ako sa banyo para makapag-ayos na dahil baka mahuli na naman ako sa klase, lagot na naman ako kay Shantellemo.


Pagkarating ko sa school ay mabilis akong tumakbo papunta sa unang klase namin, nauna na dun sila Yve dahil medyo nahuli ako ng dating dahil sa traffic. Mabuti nalang at nakasabayan ko lang yung substitute ni Miss Cromwell. Akala ko nga siya na ang magtuturo sa amin ngayon dahil nakauwi na sila kahapon pero mukhang hindi pa pala— oh well, maganda naman magturo ang substitute nito at hindi strikta mehehe.

Pagkatapos ng klase namin sa substitute ni Miss Cromwell ay nagpaalam na kami kay Yve dahil may trabaho pa ito sa cafeteria, habang kami naman ni Shantellemo ay dumiritso na sa opisina ni Miss Cromwell para puntahan si Charlotte.


"Oh, walang maglalampungan, andito ako baka naman." irap ko kay Shans at Charlotte ng magyakapan sila sa harapan ko pagdating namin sa opisina ni Miss Cromwell.

Mabilis akong pinalo ni Shantelle sa balikat saka inirapan. "Yumakap lang, lampungan agad?" inis na turan nito.

"Mapanakit talaga itong magiging gf mo, Charlotte. Pwede pa magbago isip mo ngayo—"

"Bansa baka gusto mong pasabugin kita diyan." mabilis akong umatras palayo kay Shantellemo ng aambahan ako nito ng suntok. Hindi pa naman mabiro ang isang yan. At mukhang gutom pa naman ang gaga kaya nagtataray ngayon.

"Gutom ka lang kaya tara na sa cafeteria at doon nalang natin hintayin si Yve." sambit ko at nauna maglakad sa kanilang dalawa.

"Andun na rin daw si Ruelle, nagkasabayan sila ni Yve kanina." sabi ni Charlotte habang nasa likuran ko.


Pagkarating namin sa cafeteria ay agad namin nakita si Ruelle sa usual table namin na nagbabasa ng libro. Sa aming magkakaibigan si Ruelle talaga ang palabasa, minsan naman si Yve kapag may kailangan itong aralin.

"Kanina ka pa?" agad na tanong ko kay Ruelle saka umupo sa bakanteng upuan na katabi niya.

Marahan itong umiling. "Hindi naman, sakto lang." sagot nito.

"Order lang ako ng makakain natin habang naghihintay kay Yve, anong gusto niyo?" tanong ni Charlotte saka inilagay ang bag nito sa upuan kaharap namin.

"Light meal muna sa akin para masabayan ko kumain mamaya si Yve." sagot ni Shantelle sa kanya.

"Same with Shans din ako." Ruelle.

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon