BEAU
"Clems, I'm already here in school hindi na kita hinintay pa sa parking lot."
Kausap ko sa aking kaibigan na nasa kabilang linya.
"Okay. I'll see you later." she bid.
Maaga pa pero may kailangan akong tapusin sa opisina kaya andito na ako sa school. Malapit na ako sa opisina ko ng matanaw ko na naman sa labas si Rodriguez na nakasandal dun.
Simula ng magturo ako sa klase nila ay hindi na ako nito tinitigilan sa mga banat niya. And I can't do anything about it since she's a friend of Clementine's certain student. And also when I do a background check about her she seem innocent naman kaya wala akong magagawa kundi magtiis sa kanya kahit gusto ko na siyang sample-an ng karate.
Napabuntong-hininga ako saka huminto sa paglalakad at tumalikod na, dun nalang ako sa opisina ni Clems tatambay. Maglalakad na sana ako paalis ng marinig ko ang napakalakas na boses nito.
"Future wife!"
Mariin kong pinikit ang aking mga mata saka nagsimula ng maglakad at hindi pinapansin ang tawag nito. Mabuti nalang at maaga pa, wala pang mga professor at mga studyante na naglalakad sa hallway, dahil panigurado magtataka ang mga iyon kung bakit andito pa rin si Rodriguez sa paaralan kahit patuloy ako nitong inaasar.
Sanay na kasi silang pinapaalis namin ang mga studyanteng ayaw namin.
"Future wife, why are you ignoring your wife?" nakalapit na ito sa akin, dahilan upang matigil ako sa paglalakad.
I don't really get her, I'm her future wife and then she's now my wife? Fucking delusional.
Future wife? Wife?
Argh! Kahit ako nalilito sa pagiging delusyonal niya.
"Will you please stop bothering me, Rodriguez. It's too early in the morning and you're already ruining my mood." I firmly said, rolling my eyes at her.
Muli ko siyang tinalikuran at naisipan na pumunta na sa opisina ko. There's no point in going to Clementine's office when she already saw me.
"That's not gonna happen, as your wif—"
"Stop with all your games and delusions." I hissed,
cutting her off."Who said I was playing game anyway?" anito at sumabay ng lakad sa akin.
Nang nasa harap na ako ng opisina ko ay agad kong binuksan ang pintuan, naka-fingerprint naman ito kaya hindi na kailangan ng susi. Pumasok na ako sa loob at akmang isasarado na ito ng agad na inilagay ni Rodriguez ang kamay niya sa pagitan ng pintuan.
Mabuti nalang at agad ko itong nahawakan, baka magaya na naman nung huling beses na ginawa niya ito at naipit ang kamay niya.
"Stop, Rodriguez, I'm busy. Just find someone else to bother!" madiin na bigkas ko.
"Nyenye. Am not hearing anything."
Fucker.
Kung hindi lang talaga 'to, kaibigan ni Martinez, matagal na 'tong hindi nakakapasok dito.
Dahil sa inis ay hinayaan ko nalang ito at naglakad na papunta sa table ko at pabalang na ibinaba ang mga gamit na dala ko saka umupo sa aking upuan.
Nakasunod naman si Rodriguez sa akin na may malawak na ngiti sa labi nito.
"Future wife, dapat naka-register din finger print ko dito, kasi asawa mo ako."
BINABASA MO ANG
First Glance
RomanceI thought I won't be able to move on from her but I was wrong. When she came, The first time I saw her, I don't know what happened but my heart suddenly just stop beating. She... She takes my insanity away.