"Future wife, pwede mo bang ipaalam kay Miss Cromwell na ako ang magsusundo sa kambal mamaya, namimiss na kasi sila nina mommy at daddy natin eh.""Kailan pa tayo naging magkapatid, Rodriguez?" nakataas ang isang kilay na untag ko.
Andito siya ngayon sa opisina ko at katatapos lang din ng klase nila— naging routine na nito ang pagpunta niya rito palagi kapag andito ako sa CU para daw sabay kami umuwi minsan.
"Ew." she faked gagged. "Daughter in law ka nila, okay? syempre asawa mo ako." sagot nito habang itinaas-baba ang dalawang kilay niya.
I immediately bit my inner cheeks as I rolled my eyes, trying to stop the smile on my lips. "Whatever. Anyway, why can't you just call Martinez, I have the landline number here?"
"I'll call her later pagdating namin sa bahay, may mga bodyguards na kasi ang kambal na magsusundo baka hindi nila ako payagan sunduin ang kambal." sagot nito saka napalabi.
Sandali akong nag-isip bago marahan na tumango. "Alright, I'll tell her."
"Thank you, future wife." pasalamat nito saka kumandong sa akin habang busy ako sa pagpipirma ng mga papeles. "Huwag mong kalimutan dumaan sa bahay mamaya para kunin ang mga pagkain mo ah." paalala nito.
Nasabi ko kasi sa kanya na hindi ako makakauwi sa condo dahil may aasikasuhin ako sa hospital, sakto rin na gustong makita ng mga magulang niya ang kambal kaya hindi siya mag-iisa ngayon sa condo dahil uuwi siya ng bahay nila.
I nodded. "I won't." I responds.
"Una na ako, future wife. Baka maunahan ako ng mga bodyguards ni Miss Cromwell, makapaglagay ng tagabantay kela Yve, akala mo naman makikidnap ang mga yun eh." pagbibiro nito saka tumayo na sa pagkakaupo mula sa kandungan ko.
Nang marinig ko ang sinabi nito ay wala sa sariling nabitawan ko ang aking hawak na ballpen at napalunok. Mabuti nalang at hindi napansin ni Rodriguez ang biglaang pagkabalisa ko dahil inayos nito ang nagusot niyang skirt dahil sa pagkakaupo sa akin.
I'm good at suppressing my emotions but when it comes to Rodriguez I sometimes forgot how to suppressed it. And that somehow scares me for I have a lot of secrets from her.
"T-Tha— ehem." I cleared my throat as I composed myself. "Thank you, Rodriguez." pasalamat ko sa kanya ng ibigay nito sa akin ang ballpen ko pagkatapos niyang ayusin ang suot niyang damit. "Anyway, I'll call my friend in awhile to let her know about the twins." sabi ko rito upang maiwasan ang sinabi nito kanina.
"Okay, future wife. Thank you!" pasalamat niya muli saka ako binigyan ng mabilis na halik sa pisngi. "Remember, dumaan ka muna sa bahay mamaya para sa pagkain mo." paalala muli nito na tinanguan ko lang.
Nang makaalis na si Rodriguez ay wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib at naisip ang sinabi nito kanina, hindi nito alam ang tungkol sa iba pang businesses namin ni Clementine at wala akong balak na sabihin iyon sa kanya dahil alam kong ikakapahamak niya yun.
Sa mahabang panahon ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba— ang bigat sa dibdib. I didn't know that keeping a secret from someone you start to grow feelings with is this fucking painful.
Will she accept me if someday she'll know all my secrets? And most of all... will she love a killer?
Fuck.
This is not fucking good.
~~~
Lumipas ang mga araw ay hindi pa rin mapakali ang aking kalooban, halos gabi-gabi kong iniisip ang tungkol sa trabaho ko at kung paano ito matatago kay Rodriguez. Mabuti nalang at minsan ay busy si Rodriguez sa pagd-drawing ng mga designs. She told me before the she loves fashion designing and will going to study it after our wedding.
BINABASA MO ANG
First Glance
RomanceI thought I won't be able to move on from her but I was wrong. When she came, The first time I saw her, I don't know what happened but my heart suddenly just stop beating. She... She takes my insanity away.