Chapter 1

20 2 2
                                    

Caixia Dabrev P.O.V.

      Mag-isa akong naglalakad sa hallway at abala pa sa pag-aayos ng mga dalang gamit. Ngunit bigla akong napahinto saka napalingon sa likuran ng marinig ang boses ni Anaia tinatawag ako mula sa malayo.

"Caixia!" masiglang sigaw niya.

"Oh, Anaia."

Sinalubong niya ako ng yakap, "I missed you so much, childhood best friend."

"Yuck! Parang hindi mo lang ako pinuntahan sa bahay kahapun ha."

"Ganun na lang ba 'yun?" Tinarayan pa niya ako ng tingin saka inayos ang nakaayos nitong buhok. "Hindi porket may boyfriend ka na, my friend. Ay parang wala na akong silbi sa'yo. Ipapaalala ko lang, mas nauna kita nakilala at nakapiling kaysa archi mong jowa."

"Nagseselos ka ba?" Sabay hawak sa braso niya at hinakay itong umabante sa paglalakad.

"Kung meron man akong pagseselosan. Hindi iyon tungkol sa relasyon niyo." Mahina akong pinagtawanan siya saka mas lalo itong niyakap. "Ang sa'kin lang ay sana naman bigyan mo ako ng kaunting oras. Hindi puro Timothy ka na lang. Bahala ka manghihila talaga ako ng kahit sinong tao dito para palitan ka."

Sumimangot ako, "Eh huwag ka naman ganyan. Nakabawi kaya ako sa'yo kahapun."

"Nakabawi nga pero dalawang oras lang."

"Kasalanan ko bang niyaya niya akong samahan siyang bumili ng mga materyales sa drafting subject niya? Atsaka, hindi ba niyaya ka din niya?"

"Ayaw ko nga." Malakas niyang pinakawalan ang sariling braso mula sa magkakahawak ko.

"Oh, ikaw naman pala may gusto."

"Talaga lang. Ayaw kong sumama. Ginawa niyo pa akong third wheel sa inyo."

"No, you're not." natatawang sambit ko at niyakap ulit ng braso niya.

Narinig ko naman ang mahina niyang paglagutok ng dila saka biro akong tinulak papalayo sa kanya. Agad akong napasimangot sa ginawa niya at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib habang nagmamadaling lumakad. Subalit pinagtawanan lang ako ng sariling kaibigan at hinabol ako para sumabay.

Minsan di ko talaga siya masisi kung bakit palagi na lang ito humihingi ng kaunting oras para makasama ako. Parehong nag-aaral naman kaming dalawa sa De la salle- College of Saint Benilde. Sadyang magkaiba lang kami ng program na kinuha sa kolehiyo. Kumuha ito ng Business Management samantala ipinagpatuloy ko naman ang kagustuhan kong maging designer kaya nakabilang ako sa Bachelor of Arts Major in Fashion Design and Merchandising. Hindi na sana ganun ka hectic ng schedule naming dalawa dahil wala na kaming masyadong subjects maliban sa OJT Trainings namin. Parehong nasa last year level at last semester na kami. Medyo malalapit-lapit na din ang graduation kaya abala pareho sa mga natitirang requirements. Naeexcite na nga akong matapos ang thesis ko kahit naman sobrang nakakapagod dahil gagawa ako ng kakaibang disensyo ng wedding gown. At hindi lang iyon, kung sino sa amin ang makakuha ng mataas na marka sa thesis ay mabibilang ang ginawa namin sa isang fashion show na magaganap sa Star Magic.

Lalabas na sana kami ng campus ng bigla niya akong niyayang pumunta sa canteen para bumili ng pagkain nito. Di pa ako mapakali dahil baka nag-aantay na si Timothy sa labas ng gate.  Ngunit ang kulit talaga ng isang 'to at sinabi pang siya ang kakausap sa kanya.

The Unspent LoveWhere stories live. Discover now