Chapter 14

9 1 0
                                    

Caixia Dabrev POV.

Isa at kalahating oras nalang ang natira bago ang flight ko papuntang Italy ng sulyapan ko ang oras sa suot na relo. Ala-una nang hapon ang lipad ko. Buti meron pa akong kaunting panahon makapaghanda. Tamang-tama nakarating na kami sa airport kaya naman agad nila akong tinulungan maibaba ang mga gamit mula sa likod ng van. 

Tinutulungan ko si Dad sa mga bagahe ko nang hilahin ako ni Mom papalapit sa kanya. Akala ko may gusto siya ipapagawa o sasabihin sa'kin, pero nilagay niya lang yung kaliwang braso sa likod ko at nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Saka ko naman naintindihan kung bakit, kaya hinayaan ko na lang si Dad na magtrabaho sa mga gamit ko. At nang matapos siya, naglakad siya papunta sa'min.

"Are you ready?" nakangiting anas ni Dad. 

Mahina akong tumango, "Yeah, I think I am..." 

"Oh, anak..." naiiyak na ungol ni Mom saka ako niyakap. "Mamimiss ka namin ng sobrang-sobra. Ingatan mo ang sarili mo doon ha. Siguraduhin mong hindi ka palagi magkakasakit."

"Dapat lang." singgit ni Dad kaya humiwalay ako kay Mom.

"Daddy, naman eh." nakasimangot kong angal. 

"Oh, ano? Alam mong malayo ka na sa'min. At sino ang pwedeng mag-alaga sa'yo kapag nagkakasakit ka? Pwera nalang kung may nahanap kang bago boyfriend doon." Pinagkrus pa niya ang dalawang braso sa dibdib habang minaliitan ako ng tingin. 

"Hindi ako tutol sa ideya ni Dad." sambit naman ni Ate Coleen na nakayakap kay Kuya Ian. 

"Sus! Sinasabi mo lang 'yan dahil sa wakas may jowa ka na." 

Agad namula ang magkabilang pisngi niya, "Caixia! Tumahimik ka nga diyan." 

"Aray! Talagang bugbog ang ipapadala mo sa'kin eh noh?" 

"Ganyan akong maglambing kaya pagbigyan mo na!" mataray niyang wika.

"Kinikilig ka lang eh." asar ko.

 Pinaikutan niya ako ng mata saka bumalik sa tabi ni Kuya Ian. Sinamaan pa niya ito ng tingin ng marinig ang mahinang pagtawa. Nakipag-apir kaming dalawa ni Kuya Ian, pero ng makitang nagtatampo na ang kapatid ko.  Agad siyang sinuyo ng sariling boyfriend. 

Buti hindi ko na kailangan abalahin ang isang 'to kapag napipikon. 

"Hayaan mo nalang ang kapatid mo." Sabay hawak ni Dad sa kamay ko pero lumapit kaagad ako sa kanya para yakapin ito.

"I'm going to miss you too, Dad." pigil iyak kong bulong.

Sinuklay niya ang buhok ko, "Pwede naman tayong mag-video calls sa Skype. You can still able to talk with us. But make sure you keep us updated especially if you are in trouble, okay?"

"As if naman kakayanin kong mag-isa 'yun."

"Don't underestimate yourself, Anak. You've been through a lot. You just can't feel it yet, but you are strong enough to face this new challenge." Naibaon ko ang mukha sa dibdib niya at hindi napigilang mapaiyak. "This is you, Caixia. This is your dream. Your Mom, your Ate Coleen, and I are always praying for you, because we believe in you. And that is the main reason why we supported you in any ways. Your passion screams from the moment we saw your scribbles sketches of gowns when you are 5 years old." 

The Unspent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon