Caixia Dabrev P.O.V.
"Please take care. Thank you for coming." rinig kong paalam ni Tita Theresa mula sa labas ng bahay.
"We enjoyed it, Theresa." tugon ni Mom.
Kita kong niyakap ni Mom si Tita Theresa ng tuluyan na kaming nakalabas. Agad rin silang lumingon at napatingin sa aming dalawa ni Timothy.
"Sasabay ka ba sa'min?"
Umiling ako, "Ayos lang---"
"I'll drive her home, Tita." biglang singgit ni Timothy.
"Very well, then." nakangiting sangayon ni Mom.
Bahagya akong napatingala ng tingin sa lalakeng nakatayo sa gilid at lihim na napangiti ng makaiwas. Ngunit ang inaakala kong hindi niya iyon na pansin ay naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa braso ko. Mas lalong lumawag na lang ang ngiti ko saka hinatid sa tingin ang mga magulang na sasakay sa sariling sasakyan.
Sandaling hinintay namin makaalis ang kotse nila Mom at Ate Coleen bago ako nagpaalam kina Tita Theresa at Tito Jerome. Agad ako hinakay ni Timothy sa kotse niya at pinagbuksan ng pinto. Sumunod rin naman siyang pumasok sa driver seat ng makaikot papunta doon.
Nanatili kaming parehong tahimik ng mga ilang minuto habang tinatahak ang daan patungo sa bahay. Pero ng tignan ko ang daan ay parang hindi kami tutungo doon. Gusto ko siyang tanungin ngunit ayaw kong basagin ang katahimikan bumubuo sa amin. Mukhang seryoso at wala rin naman itong ganang makipag-usap. Kaya pinili ko na lang na tumingin sa katabing bintana. Hanggang sa ihinto niya ang kotse sa isang public park.
"Ano ang ginagawa natin dito?" agad kong tanong ng makababa.
"Kailangan ko lang ng kaunting oras na makasama ka."
Minaliitan ko siya ng tingin, "Bakit parang sa pakiramdam ko, aalis ka at hindi na kita makikita?"
"Iyon ba ang inaakala mo?" walang halong birong sambit niya.
Naibuka ko ang bibig ngunit agad ko rin iyon isinirado ng hindi alam kung ano ang itutugon sa kanya. Subalit ng marinig ang mahina niyang pagtawa ay parang gusto ko siyang hampasin. Pinaikutan ko na lang siya ng mata. Samantala inilahad naman nito ang kamay na agad ko rin naman hinawakan.
Hinakay niya akong maglakad at maglibot-libot sa park kahit na wala na masyadong taong nandito. Tanging ilaw ng mga poste at buwan ang nagsisilbing liwanang namin. Ang bawat galaw at hampas ng hangin sa mga dahon ng mga punong nandoon ay parang naging romantikong musika.
"Nagkita daw kayong dalawa ni Edwin nung mga nakaraang araw." basag niya sa katahimikan namin.
"Ah, oo. Doon sa coffee shop na mapalapit sa university." Sandali pa akong napalunok parang pakalmahin ang sarili. "Bakit? May sinabi pa ba siyang iba?"
"He did." direktang tugon niya.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi. Parang naririnig ko na rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Ngunit ng bigla siyang huminto ay napatingin ulit ako sa kanya.
"P-Plum?"
"Hindi ba sinabihan na kitang tungkol dito?" walang kaemosyon niyang sabi habang nakatitig sa'kin.
Mahinang pinisil ko ang kamay niyang nakahawak at mas lalong inilapit ang sarili sa kanya, "P-Plum, alam kong pinagsabihan at napag-usapan na natin ito. Pero hindi ko rin naman kasalanan ko sadyang masyadong matalas ang bunganga ng kaibigan mo."
YOU ARE READING
The Unspent Love
Romance|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...