Caixia Dabrev P.O.V.
Isang mahinang buntong hininga kong inilapag ulit ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko na lang ang tape measure at marker para simulan ang pagsukat sa napiling tela.
Mahigit dalawang araw na din ang nakalipas. Subalit wala akong may natatanggap na mensahe o balita sa kanya. Nag-alala na ako at takot kung ano ang nangyayari. Paano nga ba ako makampante kung pinapalibutan siya ng mga maling tao? Wala ako sa tabi niya para pagtakpan ang mga tenga niya sa mga masasama't malasong salita.
Nasa kalagitnaan na ako sa paggupit ng tela ng biglang may tumatawag sa'kin. Mabilis kong inabot ang cellphone nagbabasakaling si Timothy iyon. Ngunit ganun na lang ang pagkadismaya ko ng makitang si Dad ang tumatawag.
"Yes, Dad?" bungad ko.
"Anak, hanggang anong oras ang klase mo ngayon?"
Kumunot naman ang noo ko, "Bakit naman po? Baka mamayang alas singko pa ng hapon. Gumagawa kasi kami ng final thesis namin."
"Ang kotse mo? Dala mo ba?"
"Hindi po. Nakisabay lang ako kanina kay Ate Coleen. Kinakailangan ko kasing ipachange oil ang sariling kotse pero wala pa akong oras."
"Sige, huwag kang mag-alala." aniya at parang may naririnig akong mga boses sa likod nitong tinatawag siya. "Yes, one minute please--- Anak, susunduin kita mamaya diyan sa school."
"Thanks, Dad." nakangiting wika ko.
"We'll have our dinner outside later. Your Mom keeps on requesting. So, I should pick you up then we'll pick your Mom from work."
"Sure, Dad. I'll wait for you."
"Bye, anak. I love you."
"I love you too, Dad."
Ibinaba ko naman ang tawag habang may ngiti sa labi. Ngunit sumimangot din ng makita ang message box namin ni Timothy. Bahagyang naikuom ko ang kamay nakahawak sa phone saka muli iyon nailapag sa lamesa.
"Break time!" biglang anunsyo ni Nicole.
Napaangat ang tingin ko sa kanya ng pumasok ito sa loob ng classroom namin. Taas kilay ko pa siyang pinanauod habang hinahagis ang binili niyang inumin sa mga kaklase.
Mayamaya ay napaharap siya sa gawi ko saka ako hinagisan rin ng bottled juice.
"Thanks." anas ko.
"You're welcome," aniya at umupo katapat ng lamesa ko. "Mukhang nagsisimula ka nang magtahi ha."
"Wala akong magagawa. Pumili na ako mula sa mga ginawang sketch baka hindi ako makaabot sa deadline."
"Patingin ako."
Umiling agad ako, "Sa susunod na kapag tapos ko na siyang tahiin."
"Yung ginawang sketch mo na lang." pilit niya sabay abot ng sketch pad ko, pero mabilis ko iyon tinago. "Huwag madaya, Caixia! Pinakita ko kaya yung sa'kin."
"Ang panget kaya ng gawa ko."
"Panget lang para sa'yo. Sus! Ikaw pa ba?" asar niya.
"Saka na talaga, Nicole." At niyakap ang sketch pad para hindi niya maagaw mula sa'kin.
"Sige na. Kahit sa'kin lang. Hindi ko ipapaalam sa iba."
Minaliitan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito.
Nagdadalawang isip pa din ako. Gusto ko man sa kanya ipakita ngunit wala akong kompyansa sa sarili. Magaling na designer si Nicole at hindi makailang siya ang ikalawang pinakamagaling sa klase namin.
YOU ARE READING
The Unspent Love
Romance|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...