Caixia Dabrev's POV.
Nasa labas ng operating room pa rin kami naghihintay nina Tito Jerome at Tita Theresa. Magkatabing nakaupo at nakahawak sa kamay ko si Tita Theresa , samantala nakatayo lang sa gilid niya ang asawa.Mahigit dalawang oras na ang nakalipas simula nung tinawagan ako kanina ni Tito Jerome at nakaabot dito sa Fatima University Medical Center. Ngunit hindi patapos ang operasyon ng mga doktor. Kaya naman, maya't maya kong nararamdaman ang pagpisil ni Tita Theresa sa kamay ko. Bumuntong hininga din ito saka napapatingin sa double door ng OR.
"Jerome, ba't ang tagal?" tawag pansin ni Tita Theresa sa asawa. "Ganun ba ka kritikal ang nangyari sa anak natin?"
Hinarap siya ni Tito Jerome saka niyakap patagilid.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Magiging maayos din ang lahat." mahinang pag-aalo ni tito sa asawa.
"Pero paano kung---" Naputol ni Tita ang sasabihin nang bigla siyang humagulgol. "Alam kong dadarating ang araw na ito, dahil ganito rin ang nangyari sa'yo ngayon---" Bigla kong naramdaman ang pagpisil ni Tita sa kamay ko kaya bumaba ang tingin ko doon. "I can't bear the thought of losing another of our children."
Sa pakiramdam ko parang nabingi ang magkabilang tenga ng marining ang huling sinabi ni Tita. Napatingin pa sa'kin si Tito Jerome na mukhang nag-alala. Ngunit agad siyang umiwas saka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa. Patuloy naman sa paghikbi at iyak si Tita Theresa kaya hinagod ko nalang ang likod nito.
Mayamaya bigla kaming napatingin sa pinto ng OR ng bumukas iyon. Agad kaming napatayo dalawa ni Tita Theresa. Sinalubong naman nilang mag-asawa ang doktor ni Timothy na naka-scrub suit pa rin.
"Doctor Torre," Hindi na natapos ni Tita ang sasabihin ng umiyak ito ulit.
Agad siyang hinawakan ni Tito Jerome sa braso para balansehin ito.
"How's our son, Doctor Torre?" mahinanong tanong ni Tito.
Nakangiti tumango si Doctor Torre at huminga ng malalim, "The operation is a success."
"Oh, thank goodness." parehong sambit nila Tito at Tita.
"How far is the damage did he gone?"
"When we another go x-ray of his leg. We able to know that he had a greenstick fractured bone in his left tibia and fibula leg bone. So, we carefully cement his left leg to help anchor his bone prostheses, and to relieve the pain." Halos ipikit ko ang mga mata ng magawang imahe ng utak ko ang sitwasyon ni Timothy ngayon. Nagmulat rin agad saka pinahiran ang luhang pumatak. "He had some few abrasions, both arms and on his legs. A small laceration in his left head due to his sudden fall."
"Oh my," rinig na rinig ko ang nanginginig na boses ni Tita Theresa.
Humakbang si Doctor Torre papalapit sa kanya at hinawakan ang kaliwang balikat nito.
"We already undergo some laboratories and screening for possible head injury. And to his case, he's negative." Kita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Tita dahil sa paghinga niya ng malalim. "However, he's still unconscious. So, we have to monitor him for at least 24 hours to 48 hours. And for his fractured leg, it will took 6-8 weeks until he recovered."
Dahan-dahan tumango si Tito sa kanya, "Thank you so much, Doctor Torre."
"My pleasure, especially for your son, Jerome."
Inabot ni Doctor Torre ang kamay nito sa dalawang mag-asawa para makipagkamayan bago umalis. Lumapit ako sa kabilang gilid ni Tita Theresa saka niyakap ito. Mahinang humikbi siya at tumango saka niyaya kaming ayusin ang magiging kwarto ni Timothy.

BINABASA MO ANG
The Unspent Love
Romantizm|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...