Caixia Dabrev's POV.
2 years later...
Grabe! Sobrang bilis nang panahon. At dalawang taon na ang nakalipas nung una akong humantong sa dito sa Víteliu o mas kilalang 'the land of the Italói'. Ngunit sa dalawang taon na iyon ay hindi ganun kadali ang lahat. Marami akong mga pagsubok na kailangang harapin mag-isa. Katulad nalang sa lenguwaheng ginagamit nila. Laking papasalamat ko nalang talagang nandoon si Alessia. Roommate ko nung naninirahan pa ako dating sa Florence Metropolitan City ng Italy. Pero nang magsimula na ako sa isa sa mga fashion house ay lumipat ako sa Sesto Florentino.
But before everything here's what truly happened.
Nang makarating ako sa bansa ay ini-required nang agency kong magtraining under ng isang school kung saan affiliated ng De La Salle. Mahigit kalahating taon ako nag-aral ulit ng fashion designing. Subalit hindi ko aakalain nang matapos ko ang training at nakakuha ng certificate 'tsaka license. Wala akong ideya na ang eskwelahang pinag-aaralan ko pala ay affiliated sa isang napakasikat na fashion industry. Kilala sila sa buong mundo kaya naman nang ibigay nila sa'kin ang contract. Halos nag manhid ang buong katawan ko sa gulat. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binabasa ang kontrata bago iyon pinirmahan.
Sino nga ba ang hindi manginginig kung ang isa sa mga pinakasikat na fashion company ang mismong lumapit sa'yo para pumira nang kontrata?
Inabot ako ng mga araw bago ko napagtanto na hini-hire ako bilang isang textile designer sa Salvatore Ferragamo. Iyon ang kaunang-una official na trabaho ko sa ilalim ng fashion house. Hindi man katulad sa pinapangarap ko pero iyon ang kaunang-una hakbang patungo doon. Dahil mahigit kalahating taon akong naging textile designer, at naging isang Fashion illustrator. Ngunit pagkalipas nang isa at kalahating taon ko sa Italy ay bigla akong nadiskubre nang isa sa mga fashion designer ng kompanya. At doon ko nakilala si Jamie, isang baklang Fashion Designer Italian na nagtatrabaho rin sa fashion house ng Salvatore at ang baklang tumulong sa'kin maabot ang matagal ko nang pinapangarap.
Indeed! I finally became a fashion designer under Salvatore Ferragamo. And it is been 5 months working along with export and amazing designers of the house. One of my designs was showcase on the runway during the Summer Fashion Week that held last September. I am incredibly thankful and pleased to see the model wear and walk my piece for the second time. I couldn't keep it any longer, so I shared it with my parents, who I know were overjoyed to hear of all of my accomplishments. I may not have enough time to phone them every day, but I try to contact them at least twice a week. However, if we are preparing for Fashion Week. I couldn't make a call since I needed to work around the clock to finish all of the pieces that will be featured at the event.
Sa sapat na pera na naipon ko ay nakabili at nagkaroon ako ng sariling apartment, 7 minutes ang layo mula sa fashion house. Ang lahat ng iyon ay mula sa pagsusumikap at dedikasyon ko sa trabaho. Napakasaya ko na sa wakas ay meron na akong lugar. Kung saan kahit anong oras pwede akong makapagpahinga at makagalaw para sa sarili ko.
Nagpapahinga ako saglit pagkatapos ng apat na oras na walang tigil na pagtatahi sa dress na ginagawa ko para sa Fall Fashion Week ng Salvatore Ferragamo. Ang Fall Fashion Week ay palaging ginaganap tuwing Pebrero; ngayon ay huling linggo na ng Enero. Kailangan kong tapusin iyon, dahil may isa pa akong damit na dapat isipin. Dalawang linggo nalang ang natitira at kailangan maipasa ko na ang isa sa mga masterpiece ng fashion show.
Mag-isa akong nakaupo sa lounge room at umiinom ng mainit kong kape habang nag-i-scroll sa Instagram ko. Nakita ko ang post ni Ate Coleen tungkol sa engagement niya na naganap nung last November. And yes, ikakasal na sila ni Kuya Ian sa dadarating na June. Pinagpaplano nilang ikasala sa Australia, mukhang napamahal na doon ang kapatid ko. At talaga nirequest niya iyon kay Kuya Ian pero kahit naman ay hindi na ako makapaghintay para sa kanila. Ngunit nang mainip ay napag-isipan kong manuod ng mga IG stores. Doon ko naman nakita ang MyDay ni Anaia nasa opisina nito. Napapangiti nalang talaga ako sa kanya dahil isang ganap na Marketing Analyst na ito sa kompanyang tinatrabuhan. Hindi man pangkaraniwan para sa kanya, ngunit tila nag-e-enjoy naman siya sa huling pagkakataong kinausap ko siya tungkol dito.

BINABASA MO ANG
The Unspent Love
Romance|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...