Chapter 9

2 0 0
                                    

Caixia Dabrev's POV. 

     By next week, on Thursday, Timothy was scheduled to be discharged from the hospital. Thankfully, I had an afternoon class on that day. So, before I went to school I offered my assistance to help Timothy pack up his things. For his entire admission every time my classes are over. I always came and visited him at the hospital. His friends from school came too, including Edwin. But I was relieved that Edwin finally stopped pushing my buttons during his visiting hours. Because if he won't stop I'll probably going to provoke how ridiculous he is. Jasmine wasn't able to show up herself after her first visit. Timothy didn't say anything about her, or maybe I just didn't know she come and visit while I'm not around. 

Pagkatapos maibigay ng nurse ni Timothy ang discharge instructions. Agad kaming bumaba saka lumabas ng hospital. Nakaabang naman ang sasakyan ni Tita Theresa sa labas. Pinagtulungan inalayan namin si Timothy makasakay sa backseat ng SUV, dahil nakasemento pa rin ang paa nito. 

Tumabi agad ako sa kanya pagkatapos. Samantala umupo naman si Tita Theresa sa harap katabi ng driver nila. Wala si Tito Jerome. May importanteng site visit daw ito sa bagong project ginagawa nila sa Cebu. Gusto sanang sumama ni Tita Theresa sa kanya pero napaiwan ito dahil sa anak. Kaya naman ng tinawagan niya ako kanina para tulungan siya. Hindi ako tumanggi. Lalong-lalo na alam ko kung gaano kahirap kay Tita ito. 

Buong byahe tahimik lang kami pareho ni Timothy. Kung tuwing babalingan ko siya ng tingin. Napakatingin lang ito palagi sa katabing bintana. Mahina akong bumuntong hininga saka inabot at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng binti nito. Agad siyang napatingin sa'kin kaya ngumiti ako at bahagyang pinisil ang kamay niya. 

Kita kong bahagyang gumalaw ang lalamonan niya. Ngunit ang blangko lang ng mukha nito habang nakatitig sa'kin. Hiniling ko nalang ang ulo sa balikat niya saka tinitigan ang kamay namin magkahawak.

"Oh, dahan-dahan lang." paalala ni Tita Theresa ng bumaba ang anak. 

Umikot agad ako sa kabila para alalayan si Timothy. Maingat ko siyang hinawakan sa siko't likod habang nakatayo sa uninjured side niya. 

"I'm fine, Mom." kontra niya sa ina. 

"Ako lang ang magsasabi kung ayos ka na." seryosong wika ni Tita Theresa saka tinuro ang nakasementong paa ni Timothy. "Hangga't nakasemento pa 'yan. At wala akong naririnig na maayos ka na galing kay Doctor Torre. Hindi ako makokontento sa 'I'm fine. I'm fine' mo diyan." 

Rinig kong bumuntong hininga si Timothy, "Mukhang wala nga akong magagawa sa'yo." 

"Then good..." 

Parang gusto kong umiling sa mag-ina, pero ang cute nila pareho. Yung tipong kung pakikinggan mo sila ay parang magkaibigan lang ito nagtatalo. 

Mayroong crutches naman ginagamit si Timothy sa paglalakad. Pero pinabuti talaga si Tita Theresa may umaalalay sa kanya. Kahit ako din naman. Mas gugustuhin kong nakabantay sa kanya habang naglalakad. At baka kung ano pa ang posibleng aksidenteng mangyari. 

"Kaya mo bang umakyat sa taas?" nag-alalang tanong ko. 

Tumango siya, "I'll try..."

"Manong Dan, pwede niyo po bang tulungan si Timothy paakyat sa taas?" magalang nautos ni Tita Theresa sa driver nila. 

"Opo naman po, Ma'am." Nakangiting tumango si Manong Dan bago lumapit kay Timothy. "Hali ka na po, Sir Timothy." 

Tumabi naman ako para hayaan si Manong Dan tulungan siya. Nauna silang maglakad habang nakasunod ako sa likod nila, kasama si Tita Theresa. Pagpasok sa loob ng bahay agad nagpaalam si Tita umalis papuntang kusina. Samantala nagpatuloy kaming tatlo sa pag-akyat sa taas hanggang sa kwarto ni Timothy. 

The Unspent LoveWhere stories live. Discover now