Caixia Dabrev P.O.V.
Kailangan nga yung sandali't panahon nung una ko siyang nakita. Ni hindi ko inaasahan may idudulot itong panibagong halaga sa buhay ko. Ang simpleng presensya niya lang ay nagdadala iyon ng liwanag sa'kin araw-araw at nagbibigay ng mainit na haplos sa puso. At kapag alam kong kasama ko siya, pakiramdam ko kaya kong magahis ang mundo, maihaharap at malalagpasan lahat ng mga pagsubok na dumarating. 'Di ko inaakalang ang pagmamahal na iyon ay binago ako sa mga parang hindi ko akalaing posible, ngunit siya rin ba?
Bahagya akong napagulong sa kabilang bahagi ng kama para sulyapan ng tingin ang digital clock. Isang mahinang buntong hininga nagawa ko saka tumagilid ng higa ulit. Pipikit na sana ang mga mata ko para matulog ng biglang tumunog ito.
Dahan-dahan na lang akong bumangon at inabot ang cellphone na nasa side table. Agad kong binuksan ang messenger saka nagtimpla ng mensahe para sa kanya. Sandaling naghintay ako ng mga ilang segundo ngunit hindi ito nagrereply. Mukhang natutulog pa ito kaya tuluyan akong tumayo mula sa kama. Subalit halos bumagsak ang balikat ko ng makita kung gaano kakalat ang buong silid. Maraming mga papel't telang kumakalat sa sahig. Kahit ang mga coloring materials at ang mga sewing kits ko na nasa lamesa ay hindi ko nailagay sa tamang lalagyan.
Wala kaming maid dito sa bahay para umasa akong may magliligpit ito. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi simulan ang pagliligpit ng mga kalat.
Nang makatapos ako sa pagliligpit ng mga kalat. Muli kong sinuri ang cellphone nagbabasakaling nakita niya ang message ko, ngunit ng hindi pa rin ito siniseen. Pumasok na lang ako sa banyo at naligo.
Mag-aalas siyente na akong bumaba nang makatapos sa pag-aayos ng sarili. Buti na lang alas diyes pa ang klase ko ngayon kaya may oras akong sabayan silang mag-almusal. Pagkatapos kasing makauwi si Timothy kagabi, buong magdamag akong gumawa ng mga activity. Pinag-aralan ko na din ang mga lesson na i-didicuss ngayong araw kaya kung bakit puyat na puyat ako at makalat ang buong kwarto.
Pagdating ko sa dining area si Dad pa lang ang nakikita kong nakaupo sa dulo ng lamesa. Agad ako bumati saka lumapit sa kanya para humalik sa pisngi nito. Umupo na din ako sa sariling upuan at hinintay ang iba pa naming kasama ngayong almusal.
"Oh, mamaya pa ba ang klase mo?" bungad ni Ate Coleen.
Binalingan ko siya ng tingin, "Yup, alas diyes pa."
"Mmm! Kaya pala may taong nakaupo na din sa wakas sa upuan mo."
"Nakakatuwa ka talaga." asar ko.
"Don't be so mean with you sister, Caixia. She misses you if you know." Dali-dali ako tinignan ang sariling kapatid at nakitang masama na ang tingin nitong nakatitig sa ama. "Kita mo na? Inaaway ka lang niyan dahil ang totoo miss ka na niyang asarin."
"Anong namiss ka diyan?" painosenteng sambit niya.
"Ah, namiss mo ba talaga ako? Pahug nga ako."
Maingat akong tumayo sa upuan at nilapitan siya para yakapin ito. Ngunit napakaarte talaga ng kapatid kong ito ayaw mapayakap sa aaganda niyang kapatid. Parehong pinagtawanan na lang siya namin ni Dad. Tamang-tama din ang pagdating ni Mom sa dining area kaya bumalik na ako sa upuan.
Sandaling nagdasal muna kaming apat bago sinimulan ang pagkain ng almusal. Parang ayaw pang tumigil ni Ate Coleen sa pang-aasar sa'kin kaya medyo umingay ang hapagkainan dahil sa aming dalawa.
"Take on easy both of you." saway ni Mom.
"Si Ate Coleen kasi po eh." pagsusumbong ko.
"Kamusta na pala yung thesis mo, Anak." biglang tanong ni Mom sa'kin.
"Naku, Mom. Ni hindi ko pa nga ganun nasisimulan, para tinatamad na ako agad." parang walang gana ko nga sabi. "Ang hirap naman po kasi ng criteria ni Madamser Yong. Kinakailangan makakagawa kami ng kakaibang disensyo na ball gown. Marami akong ideya ngunit napaka-imposibleng magagawa ko iyon."
YOU ARE READING
The Unspent Love
Romance|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...