Chapter 5

3 0 0
                                    

Caixia Dabrev POV.

Lunes ng umaga, maaga akong pumunta sa school para mag-aral saglit sa library. Nakalimutan kong may magaganap na quiz pala ako ngayong araw. Hindi ko naman nagawang makapag-aral kahapun. Pag-uwi namin galing Isabela ay umagsak agad ang buong katawan't kaluluwa ko sa pagod at antok. Ginising nalang ako nila Mom kanina tinatanong kung papasok ba ako. Mukhang napuruhan nga kami sa pag-eenjoy namin nung weekend.

"Hey, there, childhood." Napatingin ako sa babaeng umupo sa tabi ko.

"Anaia." Tuwang-tuwa ko siyang niyakap. "I'm glad to see you again."

"Wow, finally namiss mo din ako." pagyayabang niya.

"Of course I missed you." Bahagyang sumimangot pa ako. "Pasensya at hindi kita nasama sa outing namin nung weekend."

"Pero kapag si Jowa, ayos lang?"

"Anaia---"

"Oo sige na, siya na talaga yung future son-in-law, kaya ngayon pa lang parang kabilang na talaga siya sa buhay niyo lahat." pagtatampo niya kaya hinila ko siya ulit para yakapin.

"Huwag ka nang magtampo, please." suyo ko pero inikutan niya lang ako ng mata. "Babawi ulit ako sa'yo. Huwag kang mag-alala. Mag-oouting rin tayo. Yung tayong dalawa lang kapag nandoon na ako sa Italy."

"Kung meron ka pang oras makapag-outing sa lagay mo doon."

"Aba! Kayang-kaya ko kaya." may kompyansang sambit ko at umayos ng pagkakaupo.

"Papaano naman ako makakapunta doon? Baka paglipad ko pa lang hindi ko na alam kung saan ako baba at sasakay."

"Kung iyon lang naman ang problema mo, eh di sumama ka kina Ate Coleen kapag pupunta sila doon." Itinabi ko ang librong binabasa saka binuklat ang sariling notebook para magbasa ng notes. "Ako na din magpapadala ng sariling ticket mo para hindi masyado magastos para sa'yo."

"Napaka-big time naman ng bestfriend ko." Agad kumunot ang noo ko ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa ng nakipagkamay ito sa'kin. "Ginagagalak kitang makilala, Caixia Dabrev. Sobrang swerte ko talaga at naging kaibigan kita. Tamang-tama lang ang naging desisyon kong tabihan ka sa klase nung kindergarden natin. At hindi ako nagsising ako ang nakakuha ng headband mo atsaka ako rin ang nagsauli sa'yo."

Bahagya akong natawa, "Napaka-honest mo talaga bilang magnanakaw."

"Excuse me. I wasn't stealing it. I am just handing it for safe keeping until someone claims that theirs."

'Di ko napigilang mapangisi habang nakakunot ang noo nakatitig sa kanya. Samantala ito malapad rin ang mga ngiti sa labi at parang handa ng sabayan ako sa pagtawa.

Nag-aantay lang pala siya ng oras ng klase kaya ito pumunta dito. Buti at pagkatapos ng kulitan namin ay hindi na niya ako masyadong kinukulit. Ni tinulungan pa niya ako sa pag-aaral. Tinatanong niya ako ng mga iba't ibang tanong nakikita nito sa sariling notes ko kaya parang naging mabilis din ang pagpasok ng lahat na kakailanganin kong sagot mamaya.

Ganun lang din ang paghinga ko ng maluwag ng magawang kong maipasa ang ginawang pagsubok. Muntik pa akong ma-mental block dahil sa kaba. Kaya pagkatapos ng klase agad kong niyaya si Nicole na bumili ng pagkain, bago kami pumunta sa laboratory kung saan kami tumatahi ng mga damit.

"Hindi lang nakakain ng agahan, teh?" asar niya ng makaupo sa harap ko.

"I'm draining, Nicole." parang pagod na pagod kong sabi habang ngumunguya. "Dagdagan mo din ang kaba ko kanina habang kumukuha ng quiz."

The Unspent LoveWhere stories live. Discover now