Caixia Dabrev's POV.
Parang naninigas ang lalamunan ko sa tuwing sinusubukan kong sumigaw. Sa kabila ng sakit, hindi ko napigilang tawagin ang pangalan ni Timothy at magmakaawa sa kanya.Halos isang oras nang nagsimula ang ulan, basang-basa ang mga damit ko, at ang buhok ko parang naplantsa sa mukha ko. Naramdaman ko ang lamig, ngunit ang sakit ng puso ko ay higit na nararamdaman ko. Maging ang mga luha ko ay naghahalo na sa mga patak ng ulan na pumapatak mula sa aking mukha. Madilim na ang kalangitan. At sa mga taong makakakita sa akin, maiisip nilang baliw ako na nakatayo sa ulan at sumisigaw.
Sinubukan kong isigaw ulit ang pangalan niya, pero alam kong wala na itong pag-asa. Tinawagan ko pa siya sa pamamagitan ng cellphone niya. Pero, na-block na niya ang number ko.
Naiinis akong tumingin sa basang screen ng phone ko, at inangat ang ulo para tingnan ang bahay nila. May mga ilaw sa paligid ng bahay. Naglakad-lakad ako sa gate at sinisikap kong makita siya mula sa loob. Sa ground floor, bukas ang ilaw mula sa kanilang sala hanggang sa kusina, ngunit wala akong may nakikitang tao. Tumingala ako patungo sa ikalawang palapag, nakabukas lang ang ilaw mula sa kanilang family living area. Halos bumagsak ang dalawang balikat ko dahil sa pagkabigo.
Iiwas sana ako ng tingin at mapayuko nang biglang may bumukas na ilaw mula sa ikalawang palapag. Kahit hindi ako sigurado na kwarto ito ni Timothy, pero kitang-kita ko ang silweta niya sa mga nakasarang kurtina.
"T-timothy." tuwang-tuwa kong tawag mula sa mahinang boses..
Pero nang maramdaman ko ang lakas ko ay tinawag ko ulit siya sa mas malakas na boses. Alam kong naririnig niya ako dahil bigla siyang napahinto sa paglalakad. Ngunit mayamaya lumakad ulit siya saka pinatay ang ilaw mula sa lampshade nito.
Unting-unti akong tumigil sa pagtawag sa kanya, at walang nagawa kundi. Napaluha na lang ako, ibinagsak ang mga kamay sa tagiliran, at tumingin sa ibaba.
Kumikislap ang kidlat mula sa madilim na kalangitan. Bahagyang sandaling binigyan ako nito ng tingin sa paligid. Basang-basa na ang mga puno't tanim, tumutulo rin ang mga dahon mula sa mga patak ng ulan, at ang kalsada ay binaha ng tubig. Pagkatapos, ang kulog ay umuungal sa tuktok ng ulo ko, na halos iyuko ko ang ulo. Nagsimulang bumilis kaagad ang tibok ng puso ko sa takot na baka tamaan ako ng kidlat.
Tumingala ako sa madilim na maulan na kalangitan. Kinailangan kong humanap ng masisilungan. Ayokong umalis sa kinatatayuan ko, pero kailangan kong mabuhay at iwasa ang galit na langit.
May nakita akong sanga ng puno na lumalagpas sa gate nila. Mabilis akong naglakad sa ilalim nito at sinilong ang sarili. Isang panginginig ang bumalot sa buong katawan ko, at niyakap ko ang sarili dahil sa sobrang ginaw. Wala akong ibang gamit na pwedeng mapaiinit sa'kin. Basang-basa na ang bag ko. Buti nalang ang phone ko ay gumagana pa rin matapos mabasa ng ulan.
Muli akong napahikbi nang makaramdam ng pagkabigo at kawalan ng magawa. Para na talaga akong baliw dito sa labas. Bakit ba kasi nangyari pa ito? Bakit pa ba siya bumalik at kailangang guluhin ang tahimik naming buhay dalawa? Subalit, sino ba talaga ang may kasalanan? Siya ba o si Timothy?
Napaitlag ako nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis akong tumingin sa screen para makita kung sino ang tumatawag.
"Anak, saan ka?" nag-alalang bungad ni Mom. "Nandyan ka pa rin ba kina Timothy."
Ikinagat ko saglit ang pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi ko, "M-mom, s-sorry. Opo, nandito pa po ako."
"Ganun ba? Gumagabi na anak. Umuwi ka na." mahinang utos niya.
"M-mamaya po, Mom. Uuwi din kaagad ako---" 'Di ko natapos ang sasabihin ng biglang kumulog.
"Unting-unti na lumalakas ang ulan. Mahihirapan kang magmaneho pauwi kung mamaya ka pa." Naipikit ko ang mga mata ng gusto ko na talagang humikbi. Gusto kong umuwi at yumakap sa sariling ina, ngunit ayaw kong umuwi. Hindi kakayanin ng puso ko.

BINABASA MO ANG
The Unspent Love
Romansa|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...