Epilogue

6 0 0
                                    

Caixia Dabrev's POV.

   Alas dose ng hapon ng Sabado nang ikatatlong linggo ng Pebrero ng lumapag ang eroplano namin sa Philippine Airline. Kasama ko si Anaia bumaba ng eroplano habang hilang-hila namin pareho ang mga dalang baggahe. Pagkatapos namin makuha ang ibang mga gamit ay agad kaming tumungo sa sasakyan niyang pinadala nila Tita kanina. Hindi nila nagawang sunduin ang isang 'to dahil sa trabaho. Buti at sumama akong umuwi ng Pinas baka awang-awa na siya ngayon. 

Hindi ko nagawang tawagan sina Mom at Dad dahil biglaan rin naman ang pagsama ko pag-uwi. Ayaw kong sabihin ang totoo kung bakit. Ngunit ito ang sinasabi nang puso ko pagkatapos kong maisuot ang singsing. Kakaiba iyon sa pakiramdam. Yung tipong hinihila ako papauwi. Nung gabing naghapunan kaming dalawa ni Anaia sa isang restaurant malapit sa apartment ko ay sinabihan ko siyang sasama ako uuwi papuntang Pilipinas. Gulat na gulat naman ang isang 'to pero sobrang excited para sa mga taong walang kaalam-alam na uuwi ako. 

Parang wala lang sa kanya yung jetlag pagkatapos ng 18 hours na byahe namin sa eroplano. Ni nakatulog nga ako sa kinauupuan habang tahimik itong nagmamaneho. Ginising niya lang ako nang malapit na kaming makaabot sa bahay. Agad akong umayos ng pagkakaupo saka tinignan ang sarili sa salamin. Bahagyang kinabahan pa ako sa mangyayari dahil wala talaga silang kaalam-alam lahat. At nang iliko ni Anaia ang kotse nito papasok sa gate namin ay halos nanlamig tsaka napakapit ng mahigpit sa seatbelt. Mahinang pinagtawan pa ako ng kaibigan kaya nahampas ko ang balikat niya. 

Nang magawa niyang iparada ang sasakyan sa garahe. Agad nitong pinatay ang makina saka naunang bumaba. Sumunod akong bumaba ng kotse niya para tulungan siyang ibaba ang mga baggaheng dala ko. Kakababa palang namin lahat ng mga gamit ko nang lumibabaw ang boses ni Mom sa mula sa loob ng bahay. 

"Anaia, naparito ka? Akala ko didiresto kauuwi sa inyo?" punong-puno na pagtataka sa boses ni Mom. 

'Di tumugon si Anaia kung kaya malapad ang mga ngiti nitong binalingan ang ina ko, saka tumabi para ipakita ang buong bulto ko. Tudo pigil ang ginawa ko upang pigilan ang mga luha na pumatak. Ayaw kong mawala sa sarili dahil tuwang makita ulit ang mga magulang. Kailangan kong maging malakas sa harap nila dahil hindi sila dapat mag-alala sa'kin.

"Hi, Mom." nakangiting bati ko at kumaway. 

"Caixia!" hiyaw ni Mom sa gulat. 

Umiiyak itong tumakbo palabas nang bahay. Mahina naman akong tumawa dahil sa excitement niyang lumapit at yakapin ako. Na halos hindi ako makahinga ng maluwag. Kaya bago pa man ako patayin ng sariling ina sinabi ko na siyang bitawan ako. 

"Ba't hindi mo kami sinabihan uuwi ka?" naiiyak na niyang sabi. 

Agad pinahiran ko ang luha niya, "Eh kung ganun hindi na iyon magiging surprise." 

Biglang mahinang umubo ang babaeng nakatayo sa likuran ko kaya binalingan ko siya ng tingin, saka sinamaan ito ng tingin. Umiwas agad siya ng tingin at nagkunwaring inosente. 

"What's happening here?" biglang lumibabaw ang boses ni Dad mula sa likod ni Mom. "Bakit nandito ang kotse ni Anaia----Caixia?!" Hindi nga niya natuloy ang sasabihin ng makita ako. 

"Daddy!" tuwang-tuwa kong hiyaw. 

Mabilis lumapit ako sa kanya para yumakap. Nakaabang naman kaagad ang mga braso niya upang salubungin ako. Bahagyang tumili pa ako nang buhatin at inikot ako habang yakap na yakap ako sa mga bisig niya.

"My baby girl is home!" 

"Dad, you are making me feel dizzy." paalam ko. 

Tumigil naman siya, "Ba't di ka tumawag?"

The Unspent LoveWhere stories live. Discover now