Chapter 6

7 0 0
                                    

Caixia Dabrev POV.

Muling pinilit ko na lang ang sarili maging abala sa ginagawang thesis. Kailangan maging maingat ako sa pagsukat at paggupit ng mga tela. Ang mahal pa naman ng mga telang ginagamit ko sa pagawa ng wedding gown. Ayaw ko rin magkamali dahil mauubusan ako ng oras kung sakaling uulit ako. Ngunit kahit anong gawin kong pagtahi't pagpipin ng tela sa mannequin. Hindi ko mapipigilan mapasulyap sa cellphone kong nakapatong sa gilid ng lamesa. Maya't maya akong napapabuntong hininga at napapaisip kung tatawag ba ako ulit. Pero kahit na subukan ko alam kong hindi niya iyon sasagutin.

Subalit, sa mas lalong tumatagal ang segundong wala akong may isasagot sa lahat ng pag-alala. Parang hindi ko magagawa ng tama ang sariling trabaho. Malaki ang tiwalang binigay ko sa kanya, dahil ganun ko siya kamahal. Hindi naman siguro kayang gawin ng taong mahal mong saktan ka. Lalong-lalo na wala ka naman ibang ginawa kundi mahalin siya. 

Mayamaya walang lakas na ibinagsak ko ang mga kamay sa pagkabilang gilid ng sumuko. Napatitig ako sa hawak na tela at sa mannequin nasa harapan. Umiling ang ulo ko sa iniisip saka napagdesisyonang hablutin ang phone. Humigpit ang pagkakahawak ko doon at nag-iisip sa kung ano ang tamang gagawin. At hindi pa umabot ng isang segundo nagmamadaling na akong nagpaalam kay Nicole aalis. May sasabihin sana ito pero hindi ko na narinig, dahil sa bilis ng pagkakatakbo ko papalabas ng classroom habang sinasabit ang dalang bag sa isang balikat. 

Hindi ko alam kung papaano ako nakarating ng ganun kabilis sa bahay nila Timothy. Ni parang wala lang sa'kin ang traffic nasa daan. 

Pagbaba ng kotse agad akong nag doorbell sa kanila. Ilang segundo lang din ay pinagbuksan ako ni Yaya Joy, kasambahay nila Timothy. Malalapad ang mga ngiti niya ng makita ako sa labas ng gate. Ngunit mas nangingibabaw ang pagtataka nito.

"Caixia, naparito po kayo?" bungad niya

"Magandang hapon po, Yaya Joy." magalang kong bati. 

"Gusto niyo po ba munang pumasok?" alok niya at mas lalong binuka ng mas malaki ang gate para papasukin ako. "Hali ka. Pasok ka muna."

I waved my hand to decline, "Hindi na po. Tatanungin ko lang naman po sana kung nandito ba si Timothy."

"Si Timothy po ba? Naku, hindi pa po siya umuuwi. Gusto mo bang hintayin mo na lang siya sa loob?" Muli akong umiling saka mahinang napabuntong hininga. "Bakit po? Hindi niyo po ba siya ma-contact? May kailangan po ba kayo sa kanya?"

"W-wala naman po, Yaya." 

"Sigurado po ba kayo? Ayos lang naman pong hintayin niyo siya sa sala." Kahit hindi man niya sinasabi, pero nahahalata ko ang pag-alala ni Yaya Joy sa'kin. 

"Ayos lang po talaga. Susubukan ko nalang po siya ulit tawagan." 

"Oh'sige. Basta sigurado ka po ha. Mag-iingat ka diyan sa daan." 

"Salamat po, Yaya Joy." 

Pagkatapos kong magpaalam kay Yaya Joy agad akong tumalikod. Maingat na pumasok ako ulit sa loob ng kotse saka napatitig sa bahay nila. Napabuga ako ng malalim na hininga sa samot-saring emosyon at bigat ng iniisip. 

I know I could just make it right all my doubts by talking to him today. Settling my doubts might be an advantage for my emotions. However, I am also feel scared that I might not expecting his words. What if I was being blind all this time? What if I might say something that I could hurt him? Indeed, he'll probably had something I didn't know but--- No, Timothy loves me like how much I love him unconditionally. 

Bubuhayin ko na sana ang makina ng sasakyan ng napagdesisyonan kong abutin ang phone nasa passenger seat. Hindi naman matatawagan ang numero ni Timothy kaya susubukan kong tatawagan si Edwin, kahit na labag sa kalooban ko. 

The Unspent LoveWhere stories live. Discover now