Caixia Dabrev's POV.
Dahan-dahan akong nagising ng maramdaman kong kumirot ang ulo ko. Mahinang dumaing ako sa sakit at pinakiramdaman ang sarili. Medyo nanghihina at masakit pa rin ang katawan ko pero kaya kong tiisin. Medyo nauhaw din nang maramdaman kong nanunuyo ang lalamunan.
Inilibot ng mga mata ko ang kwarto nang tuluyan kong imulat ang mga mata. Nagulat ako ng mapagtantong nasa hospital room ako at may nakatakod na IV line sa kaliwang kamay ko. Tumingin ako sa labas ng bintana. Bahagyang nakabukas ang kurtina kaya nakita kong madilim sa labas.
Napakunot ang noo ko nang hindi ko maalala kung paano ako nakapunta dito. Uupo na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Caixia, kamusta ka na?" nag-alalang bungad ni Anaia.
Mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang siyang nakaupo sa gilid ng kama. Umupo ako ng dahan-dahang atsaka tumingin sa kanya na nalilito. Agad niya akong inabutan ng baso may tubig. Tinanggap ko naman saka uminom.
"Anaia?" gulong anas ko ng makatapos. "Bakit ka nandito? Saan sila Ate Coleen?"
"Kakaalis lang nila. Gusto mo bang tawagan ko sila?"
Agad akong umiling, "Bakit nga pala nandito ako?"
Bumuntong hininga siya saka umupo sa tabi ko, "Hindi mo ba naalala? Napakataas ng lagnat mo nung Sabado at nawalan ng malay. Buti at naisugod ka kaagad nila Tita Theresa dito sa hospital."
"T-teka, anong araw nga pala ngayon?" kunot noo kong tanong.
"Lunes, bakit?" pagtataka niya.
"Oh my goodness," Hindi makapaniwalang anas ko. Nagsisilakihan pa ang mga mata at napatakip ng bibig sa gulat. "Didn't I...."
"I can't lie, but yeah." Tumango siya at hinawakan ako sa balikat. "Sobrang nag-alala sila Tita at Tito sa'yo, pati na rin si Ate Coleen. Mabuti nalang talaga at gising ka na." Magsasalita pa lang sana ako ng bigla nitong suminggit. "Atsaka nasabi at naikwento na din nila Tita Theresa ang nangyari kung bakit ka nawalan ng malay, at kung bakit hindi ka nakauwi nung biyernes ng gabi."
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari nung nakaraan. Muntik na akong masubsob sa sarili kong kama nang sumandal ako. Nahuli ko ang mabilis kong paghinga para pigilan ang panginginig ng katawan.
Naalarma si Anaia sa naging kilos ko. Hinawakan niya agad ang mga kamay ko at nag-alalang kinunsulta ako. Pero tahimik lang akong lumuha habang nakatingin sa naka-IV kong kamay.
"Caixia..." mahinang pagtawag niya.
Humikbi ako, "I-I can't believe it..."
"Kahit naman siguro kami hindi makapaniwala. Pero ang masasabi ko lang sa'yo," Ramdam kong biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. "Sobrang akong napahanga sa ginawa mo. Dahil kung ako iyon ay hindi ko kinayang tumayo sa ulan buong gabi. You really do impressed me how much you loved him. How much you sacrifice just wanting him to be in your life." Natatawang umiyak ako ng marinig ko siyang magmura. "You are selfless when you stand alone in that rain. Screaming and hoping he will come for you. But he didn't," Bigla akong nakarinig ng pagkadismaya sa boses niya. "I am very disappointed. I used to adore his love for you. Yet, after what he did to you? You deserve better than him."
"But, Anaia, I loved him..." kontra ko.
"Caixia, how could you still love him? He choose to love his ex. Do you still want to chase him despite the fact he doesn't want you anymore?" That hits me.
YOU ARE READING
The Unspent Love
Dragoste|Completed| Caixia Dabrev dreamed of being a fashion designer, but when she met Timothy Alvaro, an architecture student. She doesn't know she will be perfectly in love with him, his first love--his first boyfriend. A perfect couple and unsep...