Chapter 13

7 0 0
                                    

Caixia Dabrev's POV.

Lunes ng bandang hating-hapon na nang papunta ako sa Yellow Bird Cafe X Kitchen para makipagkita kay Nicole. Kanina lang niya ako tinawagan para pumunta at magpaalam sa kanya bago ang flight ko bukas papuntang Italy. Parang isang kisap-mata lang, buwan na ng Hunyo. Mahigit dalawang lingo na ang nakalipas simula nung graduation ceremony na naganap nung unang linggo ng buwan.  

Pero hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na hindi na ako estudyante, at hahabulin ko na ang matagal ko nang pangarap sa sarili. Para ang labo pa sa isipan ko o marahil ay nananaginip pa ako. Ngunit hindi, ito ay malapit at unting-unti na nang mangyari. Ginantimpalaan ako ng departament sa kakaiba't natatanging disenyong gawa, at naging bahagi at naipakita ang gown nagawa sa Star Magic Fashion Week noong huling linggo ng Mayo. 

It was my proudest moment and the most incredible experience of my life. When one of the models wearing my dress walks the runway. I stare at my work with so much emotion that I can't even begin to put into words it. I believed that was all the joy I had experienced when the event came to an end. But when one of the largest fashion brands offered to sell my work in Italy and the Philippines, my entire world was upended.  Never in my life have I been so blessed. I was frightened that if I pursued my dreams, I might hurt someone I loved, but I was holding on to my faith. I still haven't figured out the answers. But I'll be ready to look for the answers later.

Sa wakas nakarating na rin ako sa cafe shop. Tinignan ko muna ang sarili ko bago lumabas ng taxi sinasakyan. Pagpasok ko sa shop, amoy ng sariwang kape na tinimplahan ang sumalubong sa'kin. May iilang tao ang kumakain sa loob at umiinom ng kanilang kape inorder. Kaya nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya.

Gayunpaman, hindi ko nakita si Nicole sa unang palapag. Umakyat ako sa hagdan nang lumiko ako sa kaliwang bahagi ng coffee shop. Sa kabutihang palad, dalawa lang ang kumakain sa ikalawang palapag at agad kong napansin ang pag-upo niya malapit sa bintana.

"Nicole!" masiglang bati ko habang naglalakad papalapit sa kanya.  

"Caixia!" tuwang-tuwa niyang tawag ng mapatingin sa'kin. "You're here!"

Tumayo siya mula sa kinauupuan para salubungin ako ng isang yakap. Pagkahiwalay niya agad kong napansin ang suot nitong kulay brown na cardigan. Ganun din ang kulay na pang loob niyang spaghetti strap shirt. Blue ripped jeans naman ang pantalon niya saka puting vans shoes. Parang nahiya naman ako sa sarili na nakasuot lang ng white shirt crop top, brown cheeta pattern shirt, at puting nike shoes. 

Niyaya niya ako kaagad na maupo sa upuan sa harap niya.

"So, how's your graduation party?" nakangiting pang-asar niyang tanong. 

Kibit balikat ako, "There's nothing much talk about it. Alam mo naman. It's just a party." 

"Gosh! That's most successful people would say." 

"Teka, huwag ka nga magsabi ng ganyan." pagpipigil ko sa kilig. 

"Anong huwag? Naka-amnesia ka ba?" biro niya at tumawa ng mahina. "Sasabihin ko lang sa'yo para maalala mo. Baka naman kasi nakalimutan mong lilipad ka na buwas papuntang Italy." 

"Oh, hindi ko nakakalimutan 'yun." Sabay tawa ko.

Magsasalita palang sana siya ng biglang dumating ang inorder niya para sa amin dalawa. 

"Sige, dahil mukhang ayaw mo naman pag-usapan ang nangyari sa party mo." aniya habang hinahalo ang kape niya at nakatingin sa'kin ng direkta. "Sabihin mo lang sa'kin kung ano ang pakiramdam na aalis ka na?"

The Unspent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon