Prologue

2K 57 40
                                        

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

Nakakapagod.

Katatapos ko nga lang sa enrollment procedure para sa medical program na kinuha ko, which is nursing. Babalik nalang ako sa registrar office para  maging officially enrolled na ako sa school na 'to.

Ako si Gavin.

Isa akong incoming freshmen nursing dito sa Michell University. Marami akong naging inspirasyon para tumuloy sa program na 'to at isa na ro'n ang mama ko.

Napansin ko kasing mas makakatulong ako sa kanya kung about sa mga medical courses ang kukuhain kong program sa college. Dahil hindi lang ako makakatulong sa kanya financially, kundi pati na rin sa health niya.

Wow! Nagnursing para maging nurse ng pamilya!

Naalala ko na naman tuloy yung sinabi sa'kin nung registrar kanina.

"Nursing din naman pala ang pipiliin, dami pang arte." 

Okay! I lied!

Honestly, multimedia arts talaga ang kukunin kong course kanina. Napakalayo ng balak kong kuhain na course sa enrolled course ko ngayon 'no? 

Wala na rin naman na kasi akong ibang choice dahil wala na talagang ibang course na available pa sa school na 'to, kung meron man, accounting at nursing nalang. May magagawa pa ba ako?

Ayaw ko naman maging accountant in the future 'no! Ayaw ko sa math at ayaw din sa'kin ng math. The feeling is mutual!

'Saka sabi sa chismis, sa chismis lang naman ha? Sa chismis galing 'to! Hindi sa'kin ha?

Makakaranas ka lang daw talaga makahawak ng malaking pera sa work na 'yon pero hanggang hawak lang daw. 

Kaya wala akong ibang choice kundi nursing ang piliin ko kasi walang math. Pero 'yun ang akala ko huhu. 

Kasi nung nakita ko yung mga subjects sa enrollment paper ko, may nakita akong subject na 'Mathematics in the modern world' na nasa list. Ako nga 'di naging mundo niya, 'yang math pa kaya? Charot lang!

Wala na rin naman na talaga kasi akong ibang choice kundi ang mag-enroll sa school na 'to. Sarado na rin kasi ang enrollment sa ibang schools. 

At ako 'tong si tanga dahil wala pa akong school na napag-enrollan, kaya nagru-rush ngayon. Akala ko kasi parang highschool lang. Magpasa ka lang ng PSA at grades mo, okay na, enrolled ka na.

Pero ngayong college, ibang-iba talaga. 

Partida, ang dami ko pang pinagpilian na school para sa college ko noong senior highschool pa ako pero hindi ako pinayagan ng mama ko dahil malayo raw, yung iba kasi 'di ko rin naman naipasa.

Ito na nga lang ang school na tumatanggap ng mga bagong students kahit anong petsa na. Ayaw ko rin naman kasi malate ng isang taon, kaya kasya maghintay ng isang taon, mag-enroll nalang ng ibang course.

About You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon