Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
"Ma, aalis na ako ha? Mala-late na ako!"
Nagmamadali akong sumakay ng jeep nang makarating ako sa bayan. Ang hassle nga dahil bukod sa traffic, ang hirap pa sumakay dahil palaging punuan ang jeep.
Ang aga-aga ko pa naman nagising kanina tapos late pa rin ako naka-kilos. Ang bilis naman kasi ng oras!
Nakita ko sa groupchat namin na may tatlong araw kaming orientation. Naka-white top kami for two days at green naman para sa last day ng orientation. Green is for nursing daw kasi. Success naman ang first day ng orientation at wala masyadong ganap kahapon.
Wala nga akong dinalang gamit. Bag lang for aesthetic purposes. Joke!
Bahala na talaga.
Habang traffic, napapatingin ako sa mga estudyante na nasa highschool palang na naglalakad sa kalsada para pumasok. Namiss ko tuloy maging highschool. Sayang lang dahil dalawang taon ko lang na-experience ang maging highschool na face to face classes dahil nag-quarantine for two years.
Nakakalungkot nga dahil iba-iba na rin kami ng school ng mga kaibigan ko at kinukuhang course ngayon. Pero at least, para naman 'to sa mga future namin.
But I wish I can turn back the time when my life is so easy. Yung tipong, magtatanong ka lang kung anong ulam. Pero ngayon, nasa stage na ako ng buhay ko kung paano ko itatayo ang magiging future ko.
Pero speaking of traffic, ba't ba sa tuwing nagmamadali tayo do'n pa talaga nasabay yung traffic?
Pwede bang huwag tayong sabay-sabay lumabas para maiwasan ang traffic? Joke lang!
Pero napanganga ako nang magpatugtog si Manong Driver sa jeep niya. Take note, sobrang lakas pa. Sa sobrang lakas, pati pagtibok ng puso ko sumasabay na sa beat ng music. Daig pa mga DJ na nasa mga bar, eh.
Nang mawala ang traffic sa kalsada, ang kaninang mga sasakyan na parang mga nasiraan ng makina, bigla-biglang umandar na parang si The Flash.
Naguluhan tuloy ako kung sa school pa ba ako papunta o kay San Pedro na?
Ang bilis... papuntang heaven. Parang final destination lang, ah?
Gagi, paano nga pala ako papara eh mahina yung boses ko? Napakalakas pa nung tugtog akala mong nasa bar. Malala pa, nasa dulo pa ako nakaupo.
Habang humahanap ako ng timing para pumara, lumunok muna ako para masigurado kong hindi ako pipiyok sa pagpara ko.
"Kuya, para po!" Sigaw ko.
Ayun na ang pinaka-malakas kong sigaw sa buong buhay ko pero hindi pa rin ako narinig. Kahit nga ata mga pasahero, hindi ako narinig kasi wala man lang concerned na nagpara man lang sa'kin.