Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Fuck, ang sakit ng ulo ko!
Pinilit kong bumangon sa higaan ko kahit na sobrang sakit ng ulo ko at masama ang pakiramdam ko. I'm already nineteen yesterday at single na ulit ako.
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari, parang sa mga lectures lang namin. Hindi ko alam kung nangyari ba talaga lahat 'yun o isang masamang panaginip lang?
Kinuha ko ang phone ko sa side ng kama ko na nalimutan kong icharge kagabi dahil sa sobrang pagod at antok. Ang sakit din ng buong katawan ko. Parang ayokong pumasok, wala akong gana pumasok. Kung wala lang talagang exam, 'di talaga ako papasok. Bwiset!
Binuksan ko ang phone ko at agad kong pinindot ang messenger app sa cellphone ko. Hindi na ako nagulat sa nakita ko.
You can't reply to this conversation.
Life with no contact huh? Baka ako nga 'tong mamiss mo.
Hindi ba't parang ako dapat ang gumawa no'n sa kanya? Bakit parang may mabigat akong kasalanan sa kanya? Ayaw niya na ba talagang magkaayos kami? Kung para sa kanya madaling gawin ang pagblocked, sa'kin hindi.
Kagabi pa ako walang kain pero wala talaga akong gana kumain kahit ngayong almusal. Ganito pala ang feeling ng broken hearted 'no? Hindi nakakatuwa, nakakamatay kagaya ng course ko.
Mamaya na ang simula ng mid-terms namin. Parang lahat ng nireview ko ay nawala lahat sa utak ko at yung mga sinabi niya lang ang hindi mawala-wala sa utak ko. He's so mean!
Paano niya ako nakakayanan na tiisin? Na makita niya akong nahihirapan sa ganitong sitwasyon? At talagang sa mismong mid-term week pa namin ha? Maraming salamat talaga sa pabirthday sa'kin.
Tumayo na ako at nagsimulang linisin ang mga face towels na nakakalat sa sahig. Hindi na rin kasi ako gumamit ng tissue pampunas sa mga luha ko kagabi dahil nasasayangan ako sa pera na ipinambili roon. Sobrang sayang!
Sayang talaga... kami.
Hindi rin naman ako nanira ng gamit dito sa bahay, hindi naman kasi ako oa umiyak. Umiiyak lang ako sa sulok at dinadamdam ang lahat hanggang sa makatulog. Sabayan pa ng ulan. Nakakaumay!
Speaking of ulan, naulan pa rin hanggang ngayon. Hassle na naman sa pagpasok mamaya. Need ko pa magreview ulit dahil hindi ko na talaga maalala ang lahat ng mga nireview ko. Ang sakit ng utak ko. Nararamdaman ko na nga na may tumitibok sa utak ko dahil siguro sa stress.
Lumipas ang ilang oras na nakatulala lang ako sa kawalan at napansin kong umiiyak na naman pala ako. Ang sakit pa rin talaga, sobra.