Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
"You can do your activity now and don't forget the reporting for our next meeting. Iiwan ko muna kayo saglit, any more questions before I left this class?" Huling tanong ni Prof sa buong klase bago siya tuluyang umalis.
"Lalagyan po ba ng label?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Pakilagyan ng label, huwag niyong itulad sa relasyon niyong..." Tugon ni Prof at paunti-unti niyang sinabing "Walang label," pagdiin niya dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko. "Ang sweet-sweet nga, wala naman palang label. Don't forget the label bago mag-assume."
Hirap naman makailag, Prof...
Sige, I'll touch myself na nga lang. Charot!
"Ang daming ginagawa 'no? Ayoko na sa nursing," sambit ni Nath sa'kin habang nagsusulat kami at natatawang tumango lang ako sa kanya bilang sagot. She looked at me for a moment while she was taking down some notes. "Buti ka pa Gavin, hindi ka nagrereklamo. Sanaol talaga."
"Oo," sagot ko. "Hindi ko na kasi ginagawa," biro ko para matawa siya sa sinabi ko.
"Tarantado!" natatawa niyang sabi.
Time flies so fast, parang kailan lang simula noong pino-problema ko pa ang kukuhain kong course. Pero ngayon, I keep questioning myself nalang kung ano bang mga pinaggagawa kong desisyon sa buhay.
Just a few more weeks and nurses week will be held. I thought that I might join the poster making contest dahil wala rin naman akong ibang masasalihan.
Required na naman kasi at kung hindi sasali sa kahit anong contest, hindi raw pipirmahan ang clearance by the end of this semester.
Mga panakot talaga nila!
In the few months I've been studying here, I already have new friends na palagi kong kasabay sa jeep kapag pauwi. They are nice and fun to be with.
Nakakatawa ang jokes at humour nila Rob and Piper while napaka-thoughtful naman nina Tine and Iya. Si Paula naman ang madalas kong nakakausap. While Drake is the generous one. Pinaka naging kaclose ko naman ay si Nath dahil pareho kaming mahilig sa chismis.
"May meeting tayo about sa reporting natin mamaya ha?" Paalala ni Russ sa mga kagrupo namin at napatingin siya sa direksyon ko. He gave me a smile and he tap my shoulder. "See you mamaya, Gavin."
Sa dinami-dami naming magkakaklase, isa pa siya sa naging kagrupo ko at ang mas malala, siya pa yung leader.
Honestly, ayaw ko man maging feeling or delulu pero base on his body language, I think he likes me. But errr... nevermind. May nagugustuhan na rin naman na akong iba.
Speaking of him, I don't see him often now in school because he is busy with his on the job training at the hospital na sinabi niya sa'kin noong nakaraang araw.
Gusto ko man itanggi, pero miss na miss ko na si Javi. But I also remembered what our prof said earlier, wala nga pala kaming label. Baka infatuation lang naman siguro 'yun.
Ewan ko! Mas magulo pa 'to kaysa sa parts ng muscular system eh!
After class, I immediately went to the library where Russ had last said that we would have a meeting there for our reporting. Naging okay naman ang meeting namin but everytime na magtama ang tingin namin ni Russ, I feel awkward dahil na rin siguro sa'kin lang siya madalas tumitingin.
"Okay na tayo? Aralin niyo yung mga parts niyo ha? Thank you and ingat kayo pauwi guys!" Paalala ni Russ sa mga kagrupo namin bago sila tuluyang umalis. Iniimpake ko na nga ang mga gamit ko para ibalik sa bag pero pansin ko na nakatingin sa'kin si Russ. "Ah, Gavin..."
Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang kilay ko habang hinihintay ang sasabihin niya. Pero hindi naman siya sumagot kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pag-iimpake ng mga gamit ko. I was surprised nang bigla rin siyang tumulong sa ginagawa ko.
I sighed and I put my hands on my waist. "Ano bang kailangan mo?"
"Relax. Masyado namang mainit ang ulo mo," biro niya. "I just want to help you-"
"Kaya ko na," pagputol ko sa pagsasalita niya pero nagulat ako nang isukbit niya ang bag ko sa balikat niya. "What the fuck? What's your problem Russ? Siraulo ka ba? Akin na 'yang bag ko!" Reklamo ko sa kanya habang hinahabol siya papalabas ng library. I sped up my walk so I can catch up with him and thankfully tumigil siya sa paglalakad niya.
"Ang bigat ng bag mo, may bungo ba ng tao 'yan sa loob?" Reklamo niya.
"Wala naman akong sinabing bitbitin mo yung bag ko 'di ba?" Naiinis kong sabi sa kanya. "Ano bang trip mo?"
"I just want to help you nga kasi."
"Inutusan ba kita? Nakita mo ba akong nahihirapan? Stop acting like this-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko.
Pinilit ko man alisin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko pero hindi ko magawa dahil malakas ang hawak niya sa kamay ko. "Ano bang problema mo?"
"I really like you, Gavin."
Napalunok ako sa sinabi niya. Well hindi naman na ako nasurprised but it creeps me out dahil ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Pero bago pa ako makasagot sa kanya biglang may pamilyar na boses na sumigaw sa right side namin.
"Bitawan mo nga 'yang kamay ng boyfriend ko!" Rinig kong sigaw ni Javi.
He's wearing his RLE uniform at mukhang kauuwi niya lang galing sa OJT niya.
Pero nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Anong sabi niya? Boyfriend?
Hindi lang din pala ako ang nagulat sa sinabi niya, kundi pati na rin sina Rob na nasa likod lang pala ng mga halaman. Kanina pa ba sila nando'n?