Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Maraming nangyari sa loob ng isang linggo nang magsimula ang klase namin. May mga naging friends na rin ako sa mga kaklase ko.
Pero dumating na nga ang isa sa mga kinakatakot ko. Ang sandamakmak na quizzes.
Nagkaroon kami ng dalawang quiz ngayon sa AnaPhy. Una palang ay alam ko na nabagsak ko yung dalawang quiz na 'yon. Pa'no ko nasabi?
Lahat ng mga nireview ko, nalimutan ko nung nakasakay na ako ng jeep. Tila parang naiwan ko sa byahe ang lahat ng pinag-aralan ko kagabi.
Sinabay pa yung oral recitation namin isa-isa ngayong araw. Bubunot kami ng dalawang question sa fish bowl.
Well, madali lang naman siguro talaga kung may review ka. Pero sa case ko? Ang malas ko.
Nung nagreview kasi ako kagabi, may part sa nire-review ko na isinantabi ko muna kasi nga madali lang yung part na 'yon.
Hanggang sa nakalimutan ko nang reviewhin ang part ng lesson na 'yon. Tapos ayun pa yung nabunot kong question, about sa topic na 'yon na hindi ko nareview.
Kitang-kita ko sa mukha ng prof namin sa AnaPhy kung gaano siya kadismayado dahil hindi ko man lang nasagot ang isa sa mga pinaka-basic question do'n.
Kahit din naman ako.
Napapaisip ako kung ba't ko pa kasi pinili 'tong course na 'to?
Parang pinapahiya ko lang ang sarili ko. No words can describe how disappointed I am with myself.
Nagreview naman ako, eh. Pero ba't gano'n?
Pa'no pa kaya kapag sa board exam? Makaka-ilang take kaya ako?
Nape-pressure na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sa isang linggong nakalipas, madalas ko ring iniiwasan si Javi dahil sa nakakahiyang pangyayari doon sa labas ng 7/11. Sinisigurado kong hindi ko siya makakasalubong kahit saang sulok dito sa school.
Hindi naman sa ayaw ko siyang makita, nahihiya lang talaga ako sa nangyari noong isang araw.
Naglalakad ako ngayon papunta sa canteen nang bigla kong makita si Javi na naglalakad patungo sa direksyon ko.
Hindi niya ako pwedeng makita!
Naghanap agad ako ng pwesto na pwede kong pagtaguan. Nakakita ko ang malaking basurahan kaya naisip ko na doon nalang magtago.
Agad akong nagtago sa likuran ng mga basurahan at pasimple akong sumilip para tignan kung nasaan na siya.
Hindi na siya mahanap ng paningin ko sa kahit saan pa ako luminga. Nakahinga ako ng maluwag, muntikan na 'yun.
Buti nalang hindi niya ako nakita-
"Anong ginagawa mo sa likod ng basurahan, Gavin?"
Bigla akong natigilan sa nagsalita sa likuran ko. Saglit akong tumingin sa kanya at agad ko ring iniwas ang tingin ko nang sandaling magtama ang mata namin.