Chapter 14 : The Ex?!

267 18 2
                                        

Gavin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin

Gavin

"Bakit naman biglaan?!" Gulat kong tanong kay Rob.

"Masanay ka na, last minute talaga sila mag-announce ng events dito," natatawang sagot sa'kin ni Rob.

Nagulat kasi ako kasi PLAM week pala namin ngayong week. Wala naman kasi silang sinasabi na magkakaroon ng ganito. Sabi nga niya ay napaaga nga raw ngayon kumpara noong nakaraang school year. 

Wala rin akong idea kung anong mga mangyayari o mga gagawin sa PLAM week. Pero mas naiisip ko na next week na nga rin pala ang midterm exam namin at ang birthday ko. 

Nakaalis na nga rin pala si Mama last week papuntang abroad. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako dahil hindi ko na nakakasama si Mama sa bahay. Ibang-iba sa pakiramdam. Hanggang ngayon nga ay umiiyak pa rin ako tuwing gabi. 

Palagi naman kaming nag-uusap sa messenger, minsan video call. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko noong huling kita ko kay Mama noong pumasok na siya sa loob ng airport. Hindi ko talaga napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Ako lang din kasi ang naghatid kay Mama sa airport. Hindi na rin naman kasi kayang sumama sa paghatid ng lolo't lola ko dahil hindi na nila kaya pang magtravel sa malayong lugar. Busy din kasi si Javi sa on the job training nila kaya hindi ko na siya inaya pa. Ayokong din namang mang-istorbo sa kanya.

Habang nakatulala sa kawalan ay nagulat ako kay Rob nang itaas niya ang kanang kamay ko. Bakit? Para saan? Anong nangyayari?

"Okay sige si Gavin ang last participant natin. Thank you everyone for your cooperation! Ipapasa ko na 'to," sabi ng class president naming si Janelle.

Anong nangyayari?

Napatingin ako kay Rob at nakita kong may nakakalokong ngiti sa labi niya. 

"Para saan 'yun? Anong participant?" Nagtatakang tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko. 

"Para sa amazing race," natatawang sagot niya.

"Anong gagawin do'n?" tanong ko.

"Tatakbo. Tulala ka na naman kasi," simpleng sagot niya habang namumula ang mukha niya dahil pinipigilan niyang hindi matawa sa reaksyon ko.

"Gago 'to. Hindi naman ako marunong maghabol!" Sagot ko. "Ipapabura ko 'yon kay Janelle, gagi ka. Mapapahamak ako sa ginagawa mo," dagdag ko.

Dali-dali akong tumakbo papalabas ng classroom at hinabol ang president naming si Janelle. Hindi pwedeng mangyari 'yun! 

Sobrang nakakababa ng dignidad kung sakaling masali ako ro'n! Hindi naman ako mabilis tumakbo.

Paglabas ko palang ay hindi ko na makita si Janelle sa hallway. Saan kaya pupunta 'yun? 

About You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon