Chapter 4 : Selos

386 28 25
                                        

Gavin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin

Monday na naman?!

Hindi ko man lang naramdaman yung weekends, eh.

Pa'no ba naman? May Saturday classes pa kami? 

Bago ako pumasok sa school, dumaan muna ako sa malapit na convenience store sa school namin para bumili ng tubig. Naiwan ko kasi sa bahay yung aquaflask ko. 

Nagmadali kasi akong umalis kanina sa bahay dahil for sure, traffic na naman lalo na sa may Tagapo.

Pagkapasok ko sa loob agad akong kumuha ng isang boteng tubig at napakuha ako ng isang donut dahil cravings ko pa 'to noong isang araw pa.

Nang makarating ako sa counter area, napansin kong maraming binili ang nasa unahan ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa wrist watch ko.

"Gavin?" Pagtawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. 

Agad akong napalingon sa likuran ko para tignan kung sino 'yun. 

Tall, dark, and handsome, si Russ. 

Ito ang unang beses na nakausap ko siya, we're not that close pero palagi ko na siyang napapansin sa klase dahil sa matataas niyang score sa bawat subjects, parang hindi pa nga ata siya bumabagsak.

"Ah, hello."

"Ikaw yung highest sa long quiz last time right? Congrats." Bati niya habang nakangiti.

"Thank you."

Meanwhile, agad akong umabante sa harap ng cashier pagkatapos nung naunang customer at inilapag ko ro'n ang mga binili ko.

"Fifty six po lahat, Sir," sabi ng cashier.

Agad kong inilabas ang five hunded pesos sa loob ng wallet ko at iniabot 'yun sa cashier pero napansin kong nag-iba ang expression ng mukha niya.

"Nako Sir. Wala pa po kaming barya."

"Ahh, Miss, ako nalang yung magbabayad sa mga binili niya," pagsingit ni Russ sa cashier.

Napatingin ako kay Russ at nginitian niya lang ako.

"Don't worry, I got you," sabi niya sabay kindat. "Kahit huwag mo na bayaran."

Gustuhin ko mang tumanggi ay wala na akong nagawa dahil binayaran niya na ang mga binili ko.

Sinabi ko nga sa kanya na babayaran ko nalang siya kapag nagka-barya na ako pero sabi niya ay libre na raw niya sa'kin 'yun. 

Sabay na nga rin kaming pumasok sa school at kahit sa pagpunta sa classroom na naka-assign sa'min ngayon.

"Okay lang ba na tabi tayo?" Pagtanong niya.

"Naka-upo ka na nga, eh," bulong ko.

"Ha? May sinasabi ka ba?" 

"Wala. Sabi ko okay lang," kahit hindi naman talaga.

About You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon