Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Five months later...
"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?" Naiiyak na tanong ni Rob.
"Huwag ka na umalis dito teh," ani naman ni Piper.
"Bigyan nalang kita load para 'di ka na umalis dito," saad ni Tine dahilan para matawa kaming lahat.
Actually, ilang months na rin ang nakakalipas at ilang months ko na rin talagang iniisip ang paglipat ng school. Pero sa last few months ko rito sa school ay naging masaya naman ako at marami akong mga natutunan bilang isang nursing student.
Napabuntong-hininga ako at nginitian ko silang lahat.
"Lilipat lang naman ako ng school, 'di naman ibig-sabihin no'n ay kalilimutan ko na kayo," natatawa kong sambit dahil natatawa ako sa mga itsura nila.
"Mami-miss ka namin," saad nila.
"Mami-miss ko rin kayo," pabalik kong sabi at nag-group hug kami.
Bago kami tuluyang umuwi ay nakipag-hangout muna ako sa kanila. Kumain kami sa labas at gumastos ng malaki dahil semestral break na rin naman namin. Hindi kami nag-inuman ha? Kumain lang kami sa korean store rito sa Biñan.
After no'n ay isa-isa na silang nagpaalam na uuwi na. Yung iba naman naming kasama ay may pupuntahan pa raw.
Mamimiss ko sila...
Naglakad ako pauwi dahil wala akong masakyan na jeep. Napatingin ako sa wrist watch ko, alas kwatro palang pala ng hapon at mukha lang madilim dahil mukhang uulan.
Nang maramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan ay agad kong binilisan ang paglakad ko. Madadaanan ko ang school ko kaya magpapatila muna ako ng ulan doon sa loob ng school dahil nalimutan kong dalihin ang payong ko.
Wala naman kasing sinabing uulan at 'saka ang init-init pa nga kaninang tanghali sa labas. Pagkapasok ko sa loob ng school ay wala nang tao roon at may napansin akong pamilyar na mukha, si Cael.
Pinilit ko siyang ngitian at ngumiti naman ito pabalik sa'kin.
"Wala ka ring payong?" Pambati kong tanong sa kanya.
"Oo, eh," sagot niya kaya natawa nalang kami pareho.
Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa kawalan. Pinapanood lang namin ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa. Napabaling ang atensyon ko sa kanya nang tumikhim siya.
"Balita ko... lilipat ka raw ng school?" Tanong niya.
Tumango lamang ako sa kanya bilang sagot.
"Mamimiss ka ni Javi n'yan," bulong niya kaya hindi ko 'yun masyadong narinig kaya binigyan ko siya ng pagtatakang mukha. "Wala."
Napailing-iling nalang ako at muling ibinalik ang atensyon sa ulan.