Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Maulan na naman ang panahon kaya hassle at maputik na naman sa kalsada. Wala nga rin masyadong pumapasada na jeep kaya pahirapan talaga makasakay. Kung may dadaan man, puno na agad ang loob.
"Kakairita talaga kapag naulan. Broken na nga yung tao pakshet na buhay 'to!" Reklamo ng kaibigan kong si Klee.
She is currently taking Bachelor of Science in Psychology at same school lang din kami. She's my close friend ever since I was in highschool, we have a lot of similarities like we both love watching k-drama's and we love eating mukbang kaya nga siguro hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami.
Pero she's kinda mataray nga lang sometimes lalo na kapag may mens but a very thoughtful friend naman.
"Tanggap ko na, Gavin... na talagang wala na akong lalaking makikita. Tanggap ko na, na magiging mag-isa nalang ako sa buhay. Mag-aalaga nalang ako ng pusa, aso, at dagang costa."
"Fan ka talaga ni Rufa Mae Quinto 'no?" Natatawa kong tanong pero hindi niya ako pinansin. "Teka nga. Broken ka na naman ba?"
Napatingin siya sa'kin. "Obvious ba? Kasasabi lang," sarcastic niyang sabi.
"Niloko ako ng baby ko! Pare-pareho lang talaga mga lalaki!" Sigaw niya para mapatingin ako sa kanya at napatingin din siya sa'kin. "S'yempre 'di ka kasali, bading ka, eh." Sinamaan ko lang siya ng tingin at ipinagpatuloy niya lang ang pag-acting niya na sinasabay niya sa pagbagsak ng ulan. "Sabi nga nila... birds of the same feather make a good feather duster! Yeshhh!"
Hindi ko naman maiwasang matawa nalang sa mga reaksyon niya. Ang laughtrip talaga ng humour niya. Habang naglalakad kami ay napansin kong unti-unti siyang lumalapit sa'kin dahilan para umampiyas ang tubig ulan sa suot ko dahil sa pagtabi ng aming payong.
"May nade-detect ako beh," sambit niya na may nakakalokong ngiti sa labi niya dahilan para magtaka ako. "Tignan mo may pogi," dagdag niya at itinuro niya sa'kin ang tinutukoy niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Sanay na rin ako sa kanya, malabo ang mata pero pagdating sa pogi, ang linaw ng mata. Hidden talent niya siguro 'yun. Charot!
Napatingin naman ako sa lalaking tinuro niya at nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung sinong pogi yung tinutukoy niya. Si Javi?!
"Feel ko... wala siyang payong. Kawawa naman siya," saad niya na may malungkot na tono. "Kuya, beke gusto mo ng payong ko, eme! Tara lapitan natin bakla."
Napalunok nalang ako sa sinabi niya at naramdaman kong unti-unti niya akong idinadala kung saan nakatayo si Javi. To be honest, hindi ko pa naikwe-kwento kay Klee na kilala ko si Javi, at for sure disaster talaga kapag once na nalaman niya 'yun. What should I do?
"Beh, mala-late na tayo. Kung sa'yo okay lang malate, sa'kin hindi kaya tara na!" Pagpigil ko sa kanya at ipinakita ang oras sa screen ng phone ko.