Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Ang gastos naman sa kolehiyo!
Ang sakit ng ulo ko kakaisip sa mga bayarin, for sure bayaran na rin ng monthly payment para sa tuition next week. Kung manalo lang talaga ako sa lotto ay for sure wala akong problema sa sandamakmak na bayarin dito.
Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng bahay pero agad naman akong sinalubong ng aso kong si Ethan. Nakakatuwa talaga ang paggalaw ng buntot niya at ang hilig niyang yumakap sa'kin.
Kintamani ang breed niya.
Malaki na siya kahit na hindi pa siya nagi-isang taon. Nakakatuwa nga dahil napulot lang talaga namin siya sa kalye noong kumain kami sa labas.
Umuulan noon at napansin naming mag-isa siya na nasa ibaba ng hagdanan. Siya na rin ang naging happiness ko noong panahon na 'yun at kasama ko palagi sa bahay.
Pagkatapos ko siyang lambingin ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Unang tapak palang ng mga paa ko sa loob ng bahay ay napansin kong hindi nakabukas ang mga ilaw namin sa sala.
Usually kasi nakabukas na 'yun sa tuwing uuwi ako.
Pagpunta ko sa sala ay nakita ko si Mama na nakaupo at napansin kong tulala siya. Lumapit ako sa kanya at bineso siya. Napansin kong hindi siya kumikibo kaya umupo ako sa tabi niya.
"Ma, may problema ba?" Bating tanong ko.
Ilang segundo ang lumipas bago niya ibinaling ang tingin niya sa'kin. Napansin kong seryoso siya at may namumuong luha sa mga mata niya. May nangyari ba?
"Hindi ko na alam kung saan kukuha ng pambayad sa tuition mo. Tapos nagkaroon pa ng sakit ang lolo't lola mo. Wala na tayong pera, nak," sambit niya habang naiiyak. "Nalulungkot ako kasi parang hindi kita kayang ipagtapos sa kurso mo," dugtong niya.
Tila natigilan ako sa sinabi ng mama ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Wala akong nararamdaman kundi ang pakiramdam na unti-unting nadudurog ang puso ko. Pangarap ko 'to eh. Naging masaya na ulit ako eh. Muli akong tumingin sa kanya.
"Magwo-working student ako para makatulong ako sa mga bayarin sa school," sambit ko at parang feeling ko ay naiiyak na ako sa sitwasyon.
"Hindi, anak. Magiging mahirap 'yun para sa'yo. Hindi madaling mag-aral habang nagta-trabaho, nak," saad niya. "Ayaw kong maranasan mo ang mga naranasan ko noong kabataan ko na kahit na gustong-gusto kong mag-aral ng kolehiyo pero dahil hindi kaya ng lolo't lola mo kaya tinulungan ko sila para lang mapagtapos ang mga kapatid ko. May pangarap ako sa'yo, anak. Ayokong maranasan mo ang hirap na dinanas ko noon. Gusto kong maibigay ang buhay na gusto mo."
Hindi ko na napigilang umiyak sa harapan ng mama ko. Tila parang may dumudurog sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Ang hirap talaga ng ganitong sitwasyon. Parang nawawalan ako ng pag-asa.