Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Kadalasan ang mga nangyayari sa mga nakakatakot na palabas, sa tuwing mararamdaman nila na parang may sumusunod sa kanila tapos kumulbit, lilingon pa talaga.
Parang ako lang. Shunga talaga!
Pinigilan kong huminga at nanginginig na ako sa takot. Parang hihimatayin ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko at nilakasan ko ang loob ko na lumingon.
"Ahhhhhhhhh!"
Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa gulat. Feeling ko tuloy rinig na rinig ang sigaw ko hanggang sa kabilang kalsada.
"Ginulat mo naman ako!" Reklamo ko sa kanya. "Akala ko magnanakaw."
"Tong mukhang 'to, magnanakaw?" Tanong niya sa'kin habang tinuturo ang mukha niya.
"Palagi 'tong nagjo-joke. Akala ko nakauwi ka na?"
"Wala akong masakyan, eh. Ikaw?"
"Ako?"
"Ikaw nga."
"Luh? Huwag naman."
"Huh?"
"Ay," natawa nalang ako. "Ano pala. Maglalakad ako sa Caltex, do'n ako sasakay."
Sinamaan niya ako ng tingin. Nagets niya na siguro yung nasa isip ko.
"Tarantado 'to," natatawa niyang sabi. "Taga-greenhills ka siguro, green minded ka, eh."
"Joke nga lang."
"Taga-Santa Rosa ka 'no?"
Tumango lang ako sa kanya. "Yup."
"Layo mo pala. 'Di ba laging traffic do'n?"
"Araw-araw. Immune naman na. Ikaw nalang talaga maga-adjust sa traffic."
"Ah, okay," sandali kaming natahimik at feeling ko may gusto siyang sabihin sa'kin. "Gusto mo tumambay?"
"Saan?"
"Sa 7/11."
"Libre mo ba?"
Sandali siyang napaisip bago siya ulit tumingin sa'kin.
"Basta sasama ka?"
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Tatanggi pa ba ako?
Libre, eh.
Nang makapasok kami sa loob, nagseparate ways muna kaming dalawa. Siya dumiretso sa mga pagkain habang ako dumiretso sa mga benches.
Habang hinihintay ko siya, napansin kong umuulan na naman pala. Kanina ang init-init tapos ngayon umuulan.