Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Ilang months na ang nakakalipas nang huli kong makita at makausap si Javi kahit nasa iisang school lang kami. Ilang weeks na akong hindi makatulog ng maayos gabi-gabi at ilang araw na rin akong hindi nakakakain ng maayos.
Natapos na ang lahat pero...
Bakit nandito pa rin ako?
Bakit hindi ako makausad?
Tumayo ako sa higaan at dumiretso ako sa banyo namin. Napatingin ako sa salamin na nakasabit sa may dingding. Parang hindi ako. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa itsura ko ngayon.
Magulong buhok, malalaking eye bags, at ang laki rin ng ibinagsak ng katawan ko. Parang ibang tao ang nakikita ko sa sarili ko.
Kung babalik lang siya, alam kong magiging okay ako...
Pumasok ako sa school na walang review para sa oral examination namin mamaya. Wala akong gana, wala rin namang papasok sa utak ko. Bakit ko pa pipilitin ang sarili ko?
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at mabuti nalang ay nasa hallway na ako nung mangyari 'yun. Wala pa naman akong dalang payong. Bakit ba palagi nalang umuulan?
Ang sakit ng ulo ko.
Bakit ba kasi ako nag-nursing?
Hindi naman ako magaling sa memorization, sobrang bilis kong makalimot. Mga sinabi niya lang ang hindi ko malimutan. Hindi naman ako matalino kagaya ng iba. Hindi naman ako magaling makipag-communicate sa ibang tao, hindi ko nga maintindihan kahit ang sarili kong emosyon. Hindi naman ako fast learner at mas lalong hindi naman kami mayaman para mag-aral ako ng medical profession.
Ano ba 'tong mga desisyon mo sa buhay, Gavin?
I keep questioning myself. Why am I doing this in the first place? Ginusto ko ba talaga 'to?
Nang makapasok ako sa classroom na naka-assign sa'min ngayon ay agad-agad akong tumungo sa ibabaw ng inuupuan ko. Ayun na ang daily habit ko sa tuwing papasok ako sa school. Wala akong gana sa lahat ng bagay at wala na akong pake kung anong nangyayari.
Mayamaya ay isa-isa nang tinatawag ang mga kaklase ko. Nang luminga-linga ako sa paligid, lahat sila ay busy sa pagbabasa at pagre-recap ng mga inaral nila. Samantalang ako, nakatunganga lang at nakatingin lang sa kawalan. Bahala na mamaya. Hindi naman talaga ako nag-aral.
Bakit pa ako magpapanggap? Kung alam ko naman na talaga sa sarili ko na nahihirapan na ako at alam ko sa sarili ko na malilimutan ko lang din naman lahat?
I hate my life...
Hindi ko rin naman maitatanggi na kinakabahan ako dahil baka wala akong maisagot mamaya. Ayoko rin namang bumagsak at madisappointed ang mama ko dahil alam ko ang pagod na ginagawa niya sa abroad. Pero I just feel like hindi para sa'kin ang course na 'to. Parang hindi talaga ako nababagay sa course na 'to. Ayokong isiksik ang sarili ko sa program na 'to!