Chapter Twenty-eight

156 7 2
                                    

.

Who is she?

A question lingered in my mind.

And why is she hugging Damian like that?

Nanatili akong nakatayo sa gilid at bahagyang nakasilip sa kanila, hindi nila ako makita ngunit nakita ko kung paano sunuklian ni Damian ay yakap ng babae.

"Why didn't you gave me visit?" hindi ko nakikita ang mukha ng babae dahil naka talikod at naka yakap s'ya kay Damian, pero base sa tono ng pananalita n'ya—malambing at mahinhin—sino s'ya?

Ilang sandali lang ang pag yakap ni Damian sa kan'ya at bumitaw na s'ya.

"What are you doing here?" agad na tanong ni Damian pagka bitaw ng yakap.

"I told you, I just miss you." sagot ng babae, yayakap pa sana s'ya ulit pero ay pinigilan agad s'ya ni Damian.

"Didn't you miss me? How heartless of you." saad ng babae.

"I'm busy," tipid na sagot ni Damian at tinalikuran ang babae.

"Oh come on~" bahagyang nagdabog ang babae at niyakap s'ya sa likod na s'yang napatigil kay Damian.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa nakita.

At mas lalong tumataas ang kuryosidad ko sa kung sino ang babaeng 'to?

Pero hindi ako gumawa nang galaw at nanatili sa pwesto ko, tahimik na nanonood sa kanila at sa maaari nilang susunod na gagawin.

"I came all the way here just to see, yet you're being cold like that?" tila parang punong puno nang pag tatampo ang boses ng babae.

"Cut the crap and get to the point why are you here," sagot ng Damian at inalis ang kamay ng babae mula sa pag kakayakap sa kan'ya.

"Come on Damian, why are you making it so hard for me to see you? I have the right—" bago pa matapos ng babae ang sasabihin ay bumaling na sa kan'ya ni Damian.

"Freya." madiin ang boses na tawag n'ya.

Freya.

That is her name.

I see..

Ilang minutong nag katitigan ang dalawa bago nagpakawala nang malakas at mahabang buntong hininga si Freya.

Napatingin ako kay Damian at wala s'yang emosyon, napaka lamig ng mga matang nakatingin s'ya kay Freya.

Nangangalay na ako.

Lalabas ba ako?

O mananatili lang dito?

Parang nakalimutan ni Damian na nandito at iniwan n'ya akong kumakain.

"I'm just here to remind you about tomorrow," makalipas ang ilang minutong pagtitigan at katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay nagsalita at binasag iyon ni Freya.

"You don't have to came all the way here just to say that—you can just texted me." malamig pa rin ang boses ni Damian na sagot n'ya.

"I do!" mabilis at malakas na sagot ng babae.

"I am your fiancee, Damian, of course I do!" malakas na sigaw n'ya.

Fiance—what?

Naatutop ako sa bibig ko dahil sa narinig at gulat na nanlaki ang mga mata ko.

What the hell is she mean by fiancee?

"I got it, now, you should go home." ang tanging sagot ni Damian.

I wanted to see the face of the girl, pero nakatalikod s'ya sa 'kin.

"Damian," pag tawag ni Freya sa kan'ya at mas lumapit.

Imprisoned Love (A Dark Romance) UNDER EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon