.TAHIMIK ANG GABI at patay ang ilaw, tanging ang maliit na lamp sa gilid ng kama ang nagsisilbing liwanag sa kwarto na kung saan ang kama lang ang naiilawan.
Naalimpungatan ako at napatingin ako sa gilid ko, sa mesa ay may maliit na orasan.
1:30am.
9:30 nang matulog kami at naalimpungatan ako ngayong hating gabi.
Napatingin ako sa t'yan ko nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong ro'n.
Nakapatagilid ako habang nasa likod ko si Damian na yakap yakap ako mula sa likuran ko, nakapalibut ang braso nito sa bewang at t'yan ko.
Dahan dahan at halos pigil ang hininga na hinawakan ko ang braso n'yang nasa t'yan ko at dahan dahan na inalis iyon.
Bahagya pa akong napatigil dahil pa minsan minsan ay gumagalaw s'ya.
Malamig ngunit pinagpapawisan ako sa kaba.
Sana ay hindi s'ya magising!
Sigaw ng utak ko.
Nang tuluyan ko nang maalis ang kamay nya ay dahan dahan naman akong bumangon mula sa pagkakahiga. Napakalambot ng kama at baka pag gumalaw ako ay magalaw ko rin s'ya, kaya ay dahan dahan ang galawan ko.
Muli akong napatingin sa kan'ya nang tuluyan na akong makabangon at nakatayo na ako.
Mahimbing s'yang natutulog at parang napaka peaceful n'yang pag masdan.
Umiling iling ako at tumingin sa pinto, dahan dahan ang yapak ng mga paa ko papunta ro'n. Hahawakan ko pa sana ang door knob para pihitin ito ngunit agad akong napatigil at nanigas nang marinig ang boses sa likuran ko.
"What's the matter, baby?" his voice were so husky.
Napalunok ako at bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Napaka himbing ng tulog n'ya kung titignan ngunit ngayon ay gising na s'ya agad?!
"M-mag c-cr.." nauutal na sagot ko.
"May Cr din naman dito sa loob ng kwarto," sagot n'ya.
Napakagat ako nang pang ibabang labi at halos mapamura dahil sa sagot n'ya.
Right! May sariling bathroom ang kwarto n'ya.
Dahan dahan akong lumingon sa kan'ya, "Besides, nauuhaw rin kasi ako." sagot ko.
"We also have a water dispenser here, look." tinaas n'ya ang kamay at tinuro iyon.
Sinundan ko nang tingin ang tinuro n'ya at nakita ko sa gilid malapit sa pinto ang water dispenser n'ya.
Now what, Cherry!
"I-i.. didn't know, uhm.. cold water. And uh.." halos hindi kona alam ang sasabihin at ilang beses na napalunok sa kaba.
Kinakabahan ako at halos manginig ang tuhod ko nang bigla syang bumangon at tumayo, naglakad s'ya palapit sa water dispenser at nag salong ng tubig. Pagkatapos ay nag lakad s'ya palapit sa 'kin at inabot ang basong may tubig.
Hinawakan n'ya ang kamay kong nakahawak sa door know at bahagyang binaba ang mukha para makpantay kami.
"There's hot and cold water," he whispered.
Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa kamay kong nasa door knob, nanliit ngunit seryoso ang mga matang nakatingin sa 'kin, "What are you planning?"
Umiling iling ako at pilit na ngumiti, "N-nothing.." tinanggap ko ang baso nang tubig.
"I s-swear I just want w-water, and b-besides d-didn't know you had a w-water dispenser here." nauutal na dagdag ko at ininom ng bou ang tubig ng malamig na baso.
BINABASA MO ANG
Imprisoned Love (A Dark Romance) UNDER EDITING
Romance"You're mine. If I can't have you, I shall kill you instead." ... She was imprisoned, but she's not a criminal. She was imprisoned in criminal's love. DISCLAIMER: THIS IS A TAGLISH STORY