Reveal 13 :
She's Back
——————————
Isabella's POVHanggang ngayon, hindi parin kami makamove-on sa nangyari. Si Zach pa talaga ang sumunod. Bakit hindi nalang yung mga deserving. Sana ngayon nasa mabuting kalagayan na siya.
Tapos sumunod naman si Joselle at Bianca. Sa elevator pa talaga kanina. Pero how come na napatay sila dun nang kaming anim lang ang magkakasama? Posible kayang nasa amin ang killer? Wag naman sana. Kung wala samin, sinong papatay dun? Pero ang lungkot lang nung nawala sila.
"San ba pumunta si Marie?" tanong ni Ravie. Nandito parin kami sa kotse ni Marie. Hinihintay namin siya dahil bigla na lang siyang bumalik sa loob ng hospital.
"Hindi ko din alam eh." Sagot ko. Samantalang si Robert ay nagkukutinting ng kanyang cellphone.
"Hintayin na lang natin siya dito." Sabi ni Robert.
***
Ravie's POV
(a/n: Sa wakas, nagka-POV din si Ravie!)
Kasindak-sindak ang pagkamatay nina Joselle at Bianca kanina. Nakakagulat dahil biglang namatay ang ilaw, tumigil ang elevator at pagkatapos nito ay ang pagkamatay nilang dalawa. Pero sino nga ba ang pumatay sa kanila? Eh anim lang naman kaming magkakasama dun sa elevator.
Baka si Isabella? Or baka naman si Robert? Si Marie kaya? Iba kasi ang kinikilos niya kanina pa eh.
*Flashback*
"Ano bang paki mo? Lumayas ka na nga kung ayaw mong ikaw ang mapaglamayan!" sabi niya at itinaboy yung Nurse.
Pinagmamasdan parin namin ang mukha niya. Iba ang aura niya ngayon eh. Mas malalang Marie.
Nakatitig parin kami sa kanya hanggang ngayon. Hinayaan na lang namin siyang maglakad. Bahala siya. Siya naman ang may gusto nyan eh.
Pero bigla na lang siyang nawala. Kaya nagpanic na kaming lima. Agad kaming naghiwa-hiwalay para hanapin si Marie.
Hanggang sa may natunton akong isang area. Parang hindi nato napupuntahan ng kahit na sino. Walang tao eh.
Balak ko na sanang bumalik pero nakita ko si Marie. Kaya agad akong nagtago para hindi niya ako makita.
Lumingon-lingon siya. At biglang pumasok sa isang room. Ano kayang ibig sabihin nito?
Angtagal kong naghintay sa labas. At dahil sa takot ko, bumalik na lang ako sa lobby para dun maghintay.
At nandun na din silang lahat. Pero wala pa si Marie.
*End of Flashback*
"Puntahan na nga na'tin si Marie!" sabi ni Robert. Hindi narin siya nakatiis na dito na lang kami maghintay. Agad kaming bumaba ng kotse para bumalik ng hospital.
***
Marie's POV
Nang makasunod ako ay agad kong pinigilan ang lalaking nagtutulak sa kanya.
"ZACH?" sabi ko pagkaharap nung nasa wheel chair.
"I'm sorry?" sabi niya. Mali, akala ko si Zach. Pero patay na pala talaga siya. Nakakapanghinayang lang na hindi kami nabigyan ng pagkakataon para sa isa't-isa.
Unti-unting tumulo ang luha ko.
"Marie!!" sigaw ni Robert. Napalingon ako sa likod at nagpunas ng luha.

BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HorrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror